Photo credit to Mac De Guzman | Facebook |
Isang kwento mula sa isang netizen at motorista ang tunay na umani ng paghanga ng nakararami ng kanyang ibahagi sa social media ang isang di pangkaraniwang pangyayaring naganap sa kanya at sa isang lalaking nanghingi diumano ng kanyang tulong.
Kwento ng netizen at good samaritan na si Mac De Guzman, nakita lang niya ang 34 anyos na lalaking si Mark Briz De Vega sa Turbina, Laguna matapos nitong humingi ng tulong sa kanila.
Pagbaba diumano ni De Guzman ng kotse ay lumapit sa kanya si De Vega at nanghingi ng konting tulong pangbili ng pagkain. Kaya naman binigyan at inabutan niya agad ito kahit konting halaga lamang na mayroon siya sa bulsa.
Napag-alaman din ni De Guzman na 13 araw ng naglalakad galing Pampanga ang pobreng si De Vega ng madatnan niya ito sa Laguna. Gusto na raw kasi nitong makauwi sa kanilang probisya sa Camarines Sur, Bicol.
Ani De Guzman, walang pamasahe at ubos na ang pera ni De Vega matapos mawalan ng trabaho kaya naman sobra ang naramdaman niyang awa dito kaya nagmagandang loob siya na isabay ito sa kanyang sasakyan papuntang Lucena. Naramdaman din diumano niya na mabuting tao ang huli kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito.
Mac De Guzman's post | Facebook |
Dahil wala pa diumanong bus byaheng Bicol ay nagdesisyon si De Guzman na humingi ng tulong sa ibang netizens para makahanap ng maaring maghatid kay de Vega pauwi. Kumuha siya ng larawan nilang dalawa at nanawagan sa social media at nagbaka sakali na may mabuting tao na magpapasabay kay de Vega pa-Bicol.
"Good day! Baka naman po may pa punta sa inio ng bicol.. makikisabay naman itong kasama ko, sya si Mark briz taga Naga. Nakita ko sya sa Turbina nag Lalakad galing pa daw siya ng pampanga. Sinabay ko na pa Lucena.. Pm nio po aq. Salamat.. bayaran ko nlng pamasahe nya, wala palang bus byahe bicol," post ni De Guzman.

At matapos ngang maibahagi ni De Guzman ang naturang post ay marami raw kaagad nagmessage sa kanya at nag-offer ng tulong para kay de Vega. Isa na rito ang isang magdedeliver ng gulay pa-Bicol at doon nga nakasakay si De Vega na ngayon ay nasa Bicol na kasama ang buong pamilya.
Photo credit to Mac De Guzman | Facebook |
Nagpapasalamat naman si de Vega kay De Guzman at sa iba pang mga netizens na tumulong sa kanya at sa kanyang pamilya na talaga namang naapektuhan sa kawalan niya ng trabaho.
"Malaking pasasalamat ko po sa kanila kasi kahit papaano ay may tumulong sana po’y marami pa silang matulungang tao," ani de Vega.
"Malaking pasasalamat ko po sa kanila kasi kahit papaano ay may tumulong sana po’y marami pa silang matulungang tao," ani de Vega.
Photo credit to Mac De Guzman | Facebook |
Samantala, inulan naman ng papuri si De Guzman sa pagiging good samaritan nito at marami ang tunay na humanga sa napakabuting tulong na ginawa niya kay de Vega.
Source: Mac De Guzman | Facebook, ABS-CBN News
Source: Mac De Guzman | Facebook, ABS-CBN News