Hindi na napigilan ng komedyanteng si K Brosas ang kanyang emosyon nang maglabas ito ng sama ng loob tungkol sa panlolokong ginawa sa kanya ng pinagkatiwalaan niyang 'contractor' para magtayo ng kaniyang bahay.
Tinapos ng mahusay na mang aawit ang kaniyang pananahimik nitong Biyernes September 10, 2021 nang pormal itong naghain ng reklamo ukol sa inabandona umanong Dream House ni K.
Kwento nito, binayaran na niya ng cash na 7 milyong piso ang contractor para sa ipinapatayong bahay ngunit matapos ang ilang taon, laking gulat nito ng silipin at mapag alaman na halos 35% porsyento pa lamang ang nagagawa sa kaniyang bahay.
"Binisita ko yung bahay na pinapagawa ko after the pandemic. Nanghina ako noong nakita ko yung property," sabi ni K.
K Brosas | Facebook
K Brosas | Facebook
"Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pag-upa ng townhouse at condominium unit. Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay."
"Pinag-ipunan ko yun at wala akong loan. Pamana ko dapat sa anak ko yung house. Simple lang yung bahay, wala pong swimming pool, para sa amin lang po ng anak ko. Ang pinaghandaan ko lang po du’n, ‘yung walking closet, tapos ‘yung mala-spa ng banyo. ‘Yun lang."
K Brosas | Instagram
"Masakit kasi, ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong pero wala pa ding nangyari. Kailangan talagang umabot sa ganito, kasi parang wala nang respeto," umiiyak na pahayag ni K.
Dahil sa pagiging natural na komedyante nito, masayahin ito pagdating sa trabaho. Pero lingid sa kaalaman ng iba ang dinaramdam at ikinukubling sama ng loob kapag nasa likod na siya ng camera. "Grabe ang bigat at depressión ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko..."
At dito na nga napagdesisyonan ng beteranang singer na ito ay idulog at daanin sa legal na paraan.
K Brosas | Instagram
"Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko."
Lubos naman itong nagpapasalamat sa mga tumutulong at sumusuporta sa kaniya sa laban niyang ito.
Sa ngayon ay walang balita at hindi alam ni K ang kinaroroonan ng contractor kahit pa isang taon na niya itong kinakausap na isauli na lang ang kaniyang pera.
K Brosas | Facebook
K Brosas | Facebook
Source: K Brosas / Bandera | Facebook