Screencap photos from Facebook @CIS Media Philippines |
Sinong mag-aakala na ang isang palaboy o kung minsan ay tinatawag nating taong grasa ay may tinatago palang talento na talagang hahanga ang sino mang makakakita nito.
Tulad na lamang ng isang palaboy na ito mula sa Catarman, Samar kung saan ay kinagiliwan sya ng isang netizen na nakasaksi sa kanyang galing sa pagkanta. *
Ibinahagi ni Fernan Fabregas ay video na ito sa Facebook at agad nagviral at sa ngayon ay umaabot na sa five million views.
Napakagaling umawit ng lalaking palaboy na ito na kinilalang si Vicencio Empalmado, lalo na nang kantahin nito ang sikat na awiting "Just Once" ni James Ingram.
Kung iyong mapapanood ng video ni kuya Vicencio habang kinakanta ang kantang just once ay talagang mapapa hanga ka dahil napakaganda ng boses nito. Kung ipipikit mo pa nga ang iyong mga mata at papakinggan lamang ang kanyang pagkanta ay napakasarap sa tenga.
Ayon pa sa mga komento ng netizens, napaluha pa sila sa ganda ng boses ng lalaki at marahil umano ay may matinding problema kaya naging ganito ang kinahantungan ng lalaki at dahil sa musika ay pansamantalang naibsan ang pinagdadaanan ni kuyang palaboy. *
Screencap photos from Facebook @CIS Media Philippines |
Todo bigay sa emosyon si kuya habang sya ay kumakanta, marahil ito ang paborito nyang kanta noong mga panahon na maayos pa ang lahat sa buhay nya.
Ayon pa sa isang netizen, natouch sya sa galing ng pagkanta ni kuya at nawa'y malampasan nya ang kanyang kasalukayang kalagayan.
"When life is hard, music can heal. I literally cried the moment he opened his mouth and sing! God bless you with clarity and peace. Praying you will get through whatever you are struggling right now..."
Ang isa naman netizen ay binanggit ang pagkakaroon ng mental illness at marahil ay may pinagdadaanang depresyon ang nasabing lalaki.
"Hindi biro pinagdadaanan ng mga may depression,.pra clng mga patay na buhay..araw-araw struggling cla..kalinga,pang-unawa at psensya ng pamilya need nla..sna maipagamot c kuya at gumaling." *
Screencap photos from Facebook @CIS Media Philippines |