Upang maabot natin ang ating mga pangarap ay kailangan nating maging masipag at matiyaga. Maraming sakripisyo at paghihirap ang dapat nating tiisin para lamang magkaroon ng maginhawang buhay.
Ngunit minsan ay dumarating ang swerte sa hindi inaasahang pagkakataon. Kaya naman kapag ito ay nangyari, kailangan ay handa tayo at alam natin kung ano ang dapat gawin.
Katulad na lamang ng karpinterong si Josua Hutagalung, 33 taong gulang, mula sa bansang Indonesia na ngayon ay isa ng milyonaryo.
Photo credi: Josua Hutagalung
Photo credit: Josua Hutagalung
Si Josua ay naging isang “instant milyonaryo” matapos niyang maibenta ang isang “meteorite” na hindi inaasahang malaglag sa kaniyang bahay.
Ayon kay Josua, buwan ng Agosto nang mangyari ang hindi inaasahang swerte habang siya ay abala sa trabaho sa labas ng kanilang tahanan.
Kwento niya, mayroon siyang narinig na malakas na tunog sa kanilang bahay, kaya naman agad niya itong hinanap.
Laking gulat na lamang niya matapos makita ang 2.2 kilo ng “meteorite” na bumagsak sa kanilang bubungan.
Lumubog pa ito ng 15 centimeters na agad namang hinukay ni Josua. Nang makuha raw niya ito ay mainit-init pa ang “meteorite.” Agad niya itong ipinasok sa kanilang bahay.
“From my posting on Facebook, I received responses from hundreds of netizens, and the post was shared hundreds of times. As a matter of fact, there have been many local and international reporters who have come here to cover the incident,” Kwento pa ni Josua.
Agad na nabili ang naturang “meteorite” kay Josua sa halagang RM7.6 million (Malaysian Ringgit) o katumbas ng Php88,920,000. Ito ay katumbas na ng kaniyang 30 taong sweldo.
Talagang napakaswerte ni Josua dahil sa dami ng bubungan at lugar na babagsakan ng “meteorite” ay mismong sa tahanan niya ito bumagsak.
Kaya nais niyang magpatayo ng isang sambahan para sa kanilang lugar at nais rin daw niyang magkaroon ng isa pang anak na babae bukod sa kaniyang tatlong mga anak na lalaki.
Ang dating masipag na karpintero ay isa nang “instant” milyonaryo.
***
Source: The Life Feed