Photos courtesy of One Cavite |
Nang dahil sa pandemya, maraming
buhay ang pansamantalang naantala. Hindi na tayo nakakapamuhay ng normal na
gaya ng dati kung saan ay malaya tayong nakakagalaw at nakakasalamuha ang ating
mga kapwa.
Kasama sa mga naapektuhan ng krisis sa pandemya ay hindi lamang ang mga malalaking Negosyo kungdi maging ang mga malilit na mga negosyante ay apektado rin. *
Gayon din ang mga nagta-trabaho,
ngunit higit na nakakabaha ay ang ating mga anak na hindi na nakakapasok sa
kanilang mga eskwelahan at nakaka-salamuha ng pisikal ang kanilang mga
kaeskwela at mga guro.
Kaya naman upang maiwasan ang
pagkahawa ng mga mag-aaral ay pansamantala muna inihinto ang pisikal na
pagpasok sa mga paaralan at tanging sa pamamagitan muna ng mga modules ang kanilang
pag-aaral.
Mga magulang na lamang ang
kumukuha ng mga modules sa paaralan ng kanilang mga anak ngunit maswerte naman
kung ang mga duro mismo ang naghahatid ng mga modules sa kanilang mga estudyabte.
Ngunit iba ang diskarte ng isang guro na
ito, mula sa Emiliano Tria Tirona Memorial National High School, Kawit Cavite,
na si Dr. Annie Assong, ginagamit nya ang kanyang bisikleta sa pag-iikot sa kanyang mga
estudyante. *
Photos courtesy of One Cavite |
Matiyagang inihahatid ni Ma’am Annie
ang mga modules na gagamitin ng kanyang mga mag-aaral para sa kanilang mga leksyon sa bayan ng Kawit.
Dahil dito, si Ma’am Annie ang
napiling manalo sa pa-contest ni Kawit Cavite Mayor Angelo G. Aguinaldo na
tinawag nyang #PadyaKawit.
Umani ng papuri at paghanga ang
mga netizen sa ipinalitang dedikasyon ni Teacher Annie sa kanyang sinumpaang
propesyon. Kaya naman maging ang alcalde ng Kawit ay naantig sa sipag at malasakit
ng guro sa kanyang mga mag-aaral.
“Tunay pong nakaaantig at nakabibilib
ang kaniyang dedikasyon para sa edukasyon ng kabataang Kawiteño.“ pahayag ni Mayor Angelo Aguinaldo
“Maraming salamat po sa iyong may
puso at malasakit na pagtuturo sa ating mga mag-aaral, Ma'am Annie,
congratulations po at ingat sa pagpadyak!” dagdag pa ng alkalde.
Sa kasalukuyan, personal na
pumunta si Ma’am Annie sa tanggapan ng Mayor gamit mismo ang kanyang bike, upang
mapasalamatan ang nasabing guro at tanggapin na din ang kanyang napanalunan.
Sinabi ni Mayor Aguinaldo ang
kanyang respeto at paghanga sa guro at pinasalamatan na din ito dahil sa
kabutihan at malasakit sa kanyang mga mag-aaral.
Sana ay tuluran kayo ng iba pang mga guro na gumagawa ng paraan upang pagmalasakitan ang kanilang mga estudyante upang kahit papaano ay hindi tuluyang maantala ang kanilang mga pag-aaral. *