Nagsisilbing inspirasyon ngayon sa libo-libong netizens ang post ng isang binatilyo mula sa Agoncillo, Batangas. Kung saan ibinahagi nito ang pagkamit ng isa sa kaniyang mga pangarap, ang mkapagpatayo ng sariling bahay.
Ngunit ang lubos na ikinagulat at ikinamangha ng marami ay nang sabihin nito na ang halaga ng kaniyang ipinagawang bahay ay sampung libong piso lamang.
“Flex ko lang ang munti kong bahay at hanapbuhay kulang kulang 10K ang nagastos ko, syempre kapag mabait ka sa tao, marunong kang makisama, tutulong at babawi din sila sayo, kaya walang labor yan,” ayon sa binatang kinilala bilang si Jeypee Gervacio.
Sa munting bahay ng magsisilbing tahanan ni Jeypee ay mayroong maliit na sari-sari store. '2 in 1' na nga kumbaga, may bahay kana, may negosyo kapa!
Image | Jeypee Gervacio
Image | Jeypee Gervacio
Bukod sa murang halaga ay nabanggit din ng binata na wala siyang binayad sa mga tumulong mabuo ang pangarap niyang bahay dahil sa husay niyang makisama at makipag kapwa-tao.
“Pasasaan at kapag nakaluwag luwag ay mapapalaki din kita, may awa ang diyos, sipag at tiyaga lang,” dagdag nito.
Tunay ngang ang lahat ng bagay ay nag-uumpisa sa maliit, na una niya ring sinabi sa kaniyang Facebook post.
Image | Jeypee Gervacio
Image | Jeypee Gervacio
Kaya naman marami kaagad ang humanga sa mumunting tagumpay na napagtagumpayan nito.
Mensahe naman ni Jeypee para sa mga kagaya niyang nangangarap na makapagsimulang makapagpundar ng maliit na tahanan ay:
“Think positive lang, kung kaya ko mas kaya rin nila, maraming paraan kung gugustuhin, libre lang mangarap. pero mas maganda kung sasamahan ng pagsisikap, para maisakatuparan ang pangarap”
Isang komento rin mula sa netizen ang sinangayunan ng marami, kung saan binaggit nito na:
Image | Jeypee Gervacio
Image | Jeypee Gervacio
"Saludo po ako sayo Brother.nawa maging inspirasyon ka sa mga kabataan.na wala na ginawa kundi mang hingi ng pera sa mga magulnag para pang bisyo at maglaro ng online games.ni hindi makatulong sa mg gawain bahay at sila pa may gana mag puyat."
Ano mang bagay ang iyong napagtagumpayan, maliit man o malaki. Basta ito'y iyong pinaghirapan sa maayos na paraan ay dapat mong ipagmalaki. Hindi para ipag-yabang bagkus ay para maging inspirasyon sa mga patuloy na lumalaban para sa kanilang kinabukasan.
Image | Jeypee Gervacio
Image | Jeypee Gervacio