Isang matandang lalaki ang humihingi ng tulong sa mga netizens dahil wala na umano itong makain at maipambili ng kanyang gamot.
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
Sa Facebook group na “PARACALE ang bayan ko volunteer group inc.,” ibinahagi ng isa sa mga admin ang mga larawan ni tatay Rodolfo Aquino at nakikiusap na i-share ang mga ito upang kahit papaano ay mayroong magbigay ng kaunting tulong sa kanya.
Ayon sa post ni Admin Panyer, wala ng asawa si tatay Rodolfo at ang kanyang mga anak naman ay iniwan na siya. Hindi naman nabanggit kung bakit siya iniwan ng mga ito.
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
“Isang mapagpalang araw po sating lahat.”
“Sya po si Rodolfo Aquino nag iisa lang po sya. walang asawa at iniwan na ng mga anak. Sya po ay taga purok maganda palanas paracale cams norte. Na Minsan na po nating natulongan.”
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
“Maraming salamat po sa sainyong pag tugon at kahit sa share manlang po matulongan natin.
Pagpalain po tayo ng diyos,” sabi sa post.
May mga netizens na nagpa-abot ng tulong kay tatay Rodolfo at nagbigay sila ng mga pagkain katulad ng bigas, kape, noodles, de lata at iba pa.
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
Nagbigay rin sila ng kaunting pera upang may ipambili ng gamot si tatay.
UPDATE: Makalipas ang ilang buwan ay nakatanggap kami ng nakalulungkot na balitang pumanaw na raw si tatay Rodolfo.
Hindi nabanggit sa post kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagkawala ngunit marahil ito ay dahil sa kanyang sakit.
Narito ang buong post:
"Isang mapagpalang araw po sa lahat.
Si Tatay Rodolfo Aquino. Po ay pumanaw na kaninang 4am May24,2021. Sya ay minsan n po nating natulongan.
Photo credit: PARACALE ang bayan ko volunteer group inc
Sya po ay sulong buhay walang asawa anak. kaya sa kunting halaga po ay napakalaking tulong na po para sa mga mag aasikaso para sa kanyang libing.
Maraming maraming salamat po.."
***