Iminumungkahing Face to Face Classes Pilot Run, Kinder to Grade 3 Students ang Isasabak - The Daily Sentry


Iminumungkahing Face to Face Classes Pilot Run, Kinder to Grade 3 Students ang Isasabak



Photo from Google | CTTO

Sa patuloy na pananailalim ng bansa sa quarantine dulot ng pandemya, tuloy sa pangalawang taon ang 'online classes' ng mga mag-aaral.

Nagsimula na ang school year 2021-2022 para sa ibang pribadong paaralan at nalalapit na rin ang pagbubukas muli at balik-eskwela ng mga pangpubliko.



Ngunit tila, may mangyayaring pagsulong ngayong taon sa edukasyon ng bansa dahil iminimungkahi diumano ng Department of Education ang 'Pilot Run' ng 'Face to Face Classes' na naglalayong magpokus sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 levels.


Photo from Google | CTTO

Photo from Google | CTTO


Ito ay inanunsyo ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan noong Lunes sa Laging Handa public briefing. Ayon din sa kanya, hindi naman gagawing full operational ang 'Pilot Run'. Ibig sabihin ay pili lamang at bilang ang mga mag-aaral na papapasukin kung sakali.

Ito diumano ay kanila ding binase sa rekomendasyon ng DOH at medical experts na layong magpokus muna sa 'first key stage', ang mga kindergarten.

Photo from Google | CTTO

"Dahil sa rekomendasyon ng DOH at medical experts na ating kinonsulta ay mag-focus lamang po tayo doon sa first key stage, 'yung kindergarten," he said.

Ayon kay Malaluan, nasa 12 mag-aaral lamang sa Kindergarten ang papayagang makilahok sa face-to-face classes at hindi hihigit sa 16 mag-aaral naman sa Grades 1 to 3.

Hindi rin diumano tatagal sa mahigit na tatlong oras ang klase at sisiguraduhing matinding pag-iingat ang gagawin para sa kaligtasan ng bawat estudyante.

"The activities in school are mainly reinforcing activities to what will still be predominantly distance learning," ani Malaluan.

Tinatayang hindi bababa sa 120 mga pampubliko at pribadong paaralan ang inaasahang lalahok sa pagsasagawa ng pilot test, na nakabase pa rin diumano sa pag-apruba ng Pangulo.

Ayon din sa DepEd, sa ngayon ay nasa kabuuang 17.9 milyon o 68.5% pa lamang na mga mag-aaral ang nagpatala sa darating na School Year 2021-2022, na nakatakdang magsimula sa Setyembre 13.



Source:   GMA News