Iba gumalaw ang inang Kalikasan.
Nauwi sa trahedya ang imbes na sanay masayang araw ng mga magkapamilya na nagkasayahan habang naliligo sa isa sa magagandang Falls na matatagpuan sa bayan ng Catmon, Northern Cebu.
Sa kuha ng isang drone footage, malinaw, payapa at mapapahanga ka sa ganda ng natural ng hubog ng talon, kung kaya naman ay dinadayo ito ng mga nais mag-enjoy at magpalamig lalo na sa mainit na panahon.
Ngunit habang nagkasayahan sa kanilang pagligo, at pagkuha ng mga magandang larawan sa magandang tanawing bigay ng kalikasan, mapapansin ang unti-unting paglabo ng napakalinaw na tubig kasabay ang unti-unting pagtaas at pagragasa ng tubig mula sa ibabaw ng talon.
May mga taong nakapansin sa pangyayari at nagmamadaling umahon sa tubig, ngunit sa kasamaang palad ay may mga taong huli na ng makita nila ang sobrang lakas at kulay putik na humampas sa kanilang kinaroroonan.
Ayon sa napabalita, may tatlong hindi pinalad at tuluyang naanod sa sobrang bilis na pagtaas at pagragasa ng baha na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap.
"Look at here guys.. We try to rescue him to saved his life but unfortunately he's unlucky.. I'm so sorry,"
Paalala din ni Dolendo na huwag ng magbalak pang maligo sa mga waterfalls kung masama ang panahon marahil dahil lahat ng mga naiipong tubig mula sa taas ay bigla-bigla nalang bababa na pwedeng magdulot tulad ng kanilang na naranasan.
"PS: do not having fun with your family and love ones in the waterfalls if the weather is bad,"
***
Source: Carlos Dolendo, CDN
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!