Mabilis na nag-viral sa social media ang pagsuong ng ilang guro sa ulan at putik noong Lunes, Setyembre 13, sa Malungon, Sarangani upang maipamahagi ang activity learning sheets o modules sa kanilang mga estudyante.
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
Dahil sa lakas ng ulan at maputik na daan, makikita sa kanilang uniporme ang mga putik.
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
Sa isang interview ng website na ‘Balita’ kay teacher Michelle, sinabi nitong “masaya” pa ring karanasan. Bale po, pauwi na po kami galing school nun, nag-distribute po kami ng mga learning activity sheets sa parents. Tapos bandang hapon na, pauwi na kami, pagdating namin sa kalagitnaan ng daan, bigla nalang bumuhos ‘yong napakalakas na ulan. Wala na kaming masilungan saka kapag huminto pa kami, mas lalong mababasa yong daan—mas mahirap, kaya nagpatuloy nalang kami, kahit may laptop kaming dala, no choice po.”
Kwento niya, aabot sa apat hanggang limang kilometro bago nila marating ang maayos na kalsada sa main highway.
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
“Hanggang hindi na nakayanan ng motor, kasi napakadulas na ng daan, kaya naglakad nalang kami saka yong mga partner namin yong naiwan at nagtulungan para matulak yong motor hanggang maka abot sa lugar na wala putik,” sabi ni teacher Michelle.
Si teacher Michelle at ang ang tatlo pa niyang kasama sa in-upload na mga larawan ay kasalukuyang nagtuturo sa Taclobo Elemetary School sa Malungon, Sarangani Province.
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
Isang hamon man para sa mga guro ang distance learning, nagpapasalamat pa rin si teacher Michelle sa Department of Education (DepEd) sa patuloy na paghubog sa kakayahan ng mga bata.
Aniya, dahil sa tulong ng DepEd Sarangani, nagawang makapagbigay ng solar radios para sa lahat ng mga bata o pamilya.
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
Photo credit: Michelle Buquiran-Miguel
“With the help of our Municipal Mayor, district heads, principal and teachers, we were able to find solutions to provide quality education po. We are the first Municipality na may Tele-RBI po, napaka challenging po talaga, pero kakayanin para sa mga bata,” pagpapasalamat ng guro.
Ngunit mas naniniwala parin si teacher Michelle na mas epektibo ang face to face class.
Sa ngayon ay umabot na sa 32k reactions at 26k shares ang post ng guro.
***
Source: Balita