Ginang, rumesbak sa mga nagsasabing masyadong maarte ang pagaalaga nya sa kanyang anak - The Daily Sentry


Ginang, rumesbak sa mga nagsasabing masyadong maarte ang pagaalaga nya sa kanyang anak




Bawat magulang ay may kanya-kanyang pamamaraan ng pagpapalaki sa kanilang mga anak. Malaking papel ang ginagampanan nila sa araw-araw para lang masiguradong maging maayos ang mga bata hindi lang sa pag-uugali ng mga ito kundi lalo na sa kanilang kalusugan.


Pero kung paano inaalagaan ang mga bata, ay kung saan nagkakatalo ang mga magulang. Dahil na rin sa salu-salungat o hindi magkakaparehong paniniwala ng mga magulang pagdating sa aspetong ito.

 

Tungkol sa usaping ito sumentro ang pahayag ng isang nanay dahil sa opinyon ng ibang tao pagdating sa kanilang paraan ng pagaalaga ng kanyang anak. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na marami ang hindi sang-ayon o nagkokomento tungkol sa kanyang pamamaraan ng pagaalaga sabata. Kung kaya naman deretsahan nyang ipinahayag ang kanyang opinyon ukol dito. 


Para sa vlogger na nanay na ito na kilala sa tawag na Mommy O, ang pagiging 'maarte' sa pagaalaga sa kanyang baby ay para rin mismo sa kapakanan ng bata. 



Sa kanyang Facebook post, hindi inurungan ni Mommy O ang mga taong kumokontra sa kanyang sariling diskarte para mapanatiling malinis at malusog ang kanyang anak. 


Paliwanag nya, hindi naman ibang tao ang maghihirap sa pagaalaga at gagastos kung sakaling magkasakit ang kanyang anak kaya naman ganun na lang kung ingatan nya si baby O. 


"Kapag nagkasakit ba ang bata, sino maghihirap? Sino gagastos? Sino mapupuyat? Diba, hindi naman ikaw? Diba yung bata at magulang?" aniya. 


Dagdag pa nya, "Kapag sinabi naming wag mong halikan , wag mong lawayan, wag mong subuan ng kung anu ano, please sundin nyo. Wag yung sasabihan nyo pa kami ng


"Ang Arte nyo naman"


"Lalung magkakasakit yan kapag walang germs sa katawan"


"Naku nung bata ako di naman ako ganyan"


Banat nya sa mga hindi sang-ayon sa kanya, "Kapag ba nagkasakit anak namin, makakatulong kayo sa pagbili ng gamot? Masasamahan nyo ba kami sa pagpupuyat? Kung sainyo nanggaling ung sakit, pwede ba namin maibalik sainyo para di mahirapan ang bata? Hindi naman diba?"


Pakiusap nya sa kanila, intindhin kung paano gustong alagaan ng iba ang kanilang anak lalo na kung para naman ito sa kapakanan ng bata.


"Kaya please lang. Intindihin nyo naman kami. If iba ang pagpapalaki ninyo sa anak nyo, at maganda naman ang kinalabasan, then good for you. " saad ng vlogger. 

"But once and for all, anak namin to. Kung maging maarte man kami, labas na kayo dun. Labas kayo sa kung paano namin gustong palakihin si Baby O." aniya pa. 



Basahin ang kanyang buong Facebook post:


Parenting101 :  "ANG ARTE ARTE NYO NAMANG MAGULANG"


Kapag nagkasakit ba ang bata, sino maghihirap? Sino gagastos? Sino mapupuyat? Diba, hindi naman ikaw? Diba yung bata at magulang?


Kapag sinabi naming wag mong halikan , wag mong lawayan, wag mong subuan ng kung anu ano, please sundin nyo. Wag yung sasabihan nyo pa kami ng


"Ang Arte nyo naman"


"Lalung magkakasakit yan kapag walang germs sa katawan"


"Naku nung bata ako di naman ako ganyan"


Kapag ba nagkasakit anak namin, makakatulong kayo sa pagbili ng gamot? Masasamahan nyo ba kami sa pagpupuyat? Kung sainyo nanggaling ung sakit, pwede ba namin maibalik sainyo para di mahirapan ang bata? Hindi naman diba?





Kaya please lang. Intindihin nyo naman kami. If iba ang pagpapalaki ninyo sa anak nyo, at maganda naman ang kinalabasan, then good for you. 


But once and for all, anak namin to. Kung maging maarte man kami, labas na kayo dun. Labas kayo sa kung paano namin gustong palakihin si Baby O.


Kung ang basehan nyo ng pagiging maarte ay pagiging protektado sa anak, OO na , sige na, MAARTE na po kami. 


MommyO'sDiary : Protective Parents


#Parenting101 #MyChildMyRules #WaisNanay #MommyODiary #RaisingBabyO