Estudyanteng pinagsasabay ang pamamasada at pag-aaral, kinaaantigan ng mga netizen - The Daily Sentry


Estudyanteng pinagsasabay ang pamamasada at pag-aaral, kinaaantigan ng mga netizen





Lahat ay apektado sa matinding pagsubok na kinakaharap ng buong mundo dulot ng pandemya, at ang pang araw-araw na kilos at hanapbuhay ay sadyang malaki ang pinagbago. 


Ngunit gayunpaman, hindi ito naging hadlang para sa isang madiskarteng estudyante na walang sinasayang na oras at kanyang pinagsasabay ang paghahanapbuhay at pag-aaral. 


Kinaaantigan ng mga netizen ang nag-uumapaw na dedikasyon ng isang Grade 11 student na si Michael Jabal, 21-taong-gulang na isa ring Tricycle driver.


Napahanga si Markiel Monreal ang MMDA Traffic enforcer na kumuha ng video, sa kanyang nasaksihang pagpupursige ng binata na hindi lang manibela ang hawak, kundi pati yellow paper at ballpen para kanyang kinaabukasan.



"Biniro ko po siya," Monreal said. "Sabi ko, 'Parang magpapataya ka ata.' Sabi niya, 'Hindi, online 'to gagawa akong assignment." saad ni Monreal.


Sa tuwing naghihintay ng mga pasahero at habang napakapila sa terminal ay ginugugol ni Michael ang oras sa pagsasagot ng kanyang mga aralin. 


"Nakaka-amaze naman itong batang ito kasi sa kabila ng nararanasang kahirapan sa buhay nakukuha niyang pagsabayin 'yung online class then namamasada po siya," 


At dahil sa kakaunti nalang ang kanyang mga nakukuhang pasahero sa araw-araw, kumikita na lamang si Michael ng halos P200 sa kanyang maghapong pamamasada. 


Hindi rin siya minsan tumitigil sa pamamasada kahit pa sa maliit na kita at banta sa kanyang kalusugan upang may magagamit siya pera pantustos sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pang araw-araw na gastusin.


"Habang nagkaklase po ako namamasada po ako. Kapag may time po na wala pong pasahero sumasagot po ako sa mga assignment ko," 


Inihayag rin ni Michael na nais niyang makapagtapos ng pag-aaral at tuparin ang pangarap niyang maging pulis  o sundalo balang araw. 


***

Source:  GMA News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!