Hinangaan ng mga netizens ang isang security guard ng Palawan Pawnshop New Washington Branch matapos nitong abutan ng pera ang estudyanteng hindi umabot sa cut-off para kunin ang perang ipinadala sa kanya.
Photo credit: Snhipher Prince
Bilib na bilib ang mga netizens sa security guard na si Mariel Bolivar dahil sa ginawa nitong pagtulong sa estudyante.
Sa kanyang Facebook ay ibinahagi ni Snhipher Prince ang ginawang pagtulong sa kanya ni Bolivar.
Kwento niya, sarado na raw ang remittance center pagdating niya at pinapabalik nalang siya kinabukasan.
Tanong ng guard, “.....hay paalin.sarado eot a..(eh pano yan..sarado na..)”
“cge lng sir wat problema(Okay lng po sir, walang problema),” sagot ng estudyante.
Photo credit: Snhipher Prince
Naisip ng sekyu ang kalagayan ng estudyante na nag bo-board sa kanilang lugar dahil baka wala itong maipambili ng pagkain.
Nagulat na lamang si Prince nang bigla siyang abutan ng P100 pesos ng sekyu at sinabing ibalik na lang sa kanya ang pera kapag successful na siya.
“Dko lng alam maging reaction ko...pero isa lng masasabi ko sayu ..isa kang mabuting tao manong Guard,” sabi ng estudyante.
Narito ang buong post:
“Nakaka inspired ka namn manong guard...ung time na pag dating mo ng palawan..sarado na.at guard nlng ang natira..nakakataba ng puso ksi sabi sabi nya.
Guard.....to, ga board ka iya?(Iho, nag boboard ka ba dtu?)
Ako.....oo sir..
Guard.....hay paalin.sarado eot a..(eh pano yan..sarado na..)
Ako..cge lng sir wat problema(Okay lng po sir, walang problema)
Guard.....hai paano ing pang suea duna.may bugas kapat ing mn?(naku..paano mamaya ang pang ulam mo?may bigas kpa namn na lulutuin mo mamaya?)
Ako.....ok lng sir .sang gabiie lng mn.(Okay lng po sir.isang gavi lng namn..)
Guard.....balik lng naga tu .(Ah cge..balik ka nlng tom..hu.)
Tapos .....tumayo lng muna ako and after ng ilang minuto..may inabot sya skin..sabi nya..
Photo credit: Snhipher Prince
Guard...." Tu oh...bsi wa kat ing ihapnon duna balik mo galing kakun dun pag maging successful ka eon."(eho oh, tanggapin mo to pang hapunan mo mamaya..balik mo nlng sakin yan pag maging successful kna .)
Dko lng alam maging reaction ko...pero isa lng masasabi ko sayu ..isa kang mabuting tao manong Guard..wala sa halaga ng ung ibinigay ang naka tulong sakin kundi ung wagas ng pagkatao mo
Mostly sa mga gatueoon sa new Washington, kilaea maw ra dahil sa ana nga mayad nga pakikisama.”
***
Source: Snhipher Prince | Facebook