Estudyanteng Ina, bitbit ang dalawang anak sa klase. Ngayon ay may Master's degree na! - The Daily Sentry


Estudyanteng Ina, bitbit ang dalawang anak sa klase. Ngayon ay may Master's degree na!



"Mommy Joyce" kung tawagin ng kaniyang mga kaklase, isang estudyanteng ina ang nagbahagi ng kaniyang kwento ng pagpupursigi ng pangarap. Sabay nitong ginampanan ang pagiging ina sa kaniyang dalawang anak pati na rin ang pagiging mag-aaral.

Isang istorya na nagbigay inspirasyon sa marami at nagsilbing patunay na hindi hadlang ang pagiging ina sa pagtupad ng iyong mga pangarap.




Sakay ng jeep, tricycle, UV, taxi o Grab, akyat baba sa overpass, dala dala ang malaking bag na may lamang diaper, tubig at snacks para sa mga anak, pati na rin ang mga mabibigat na libro at journals para sa pag aaral.

Yan ang sakripisyong kinakaharap ni Mommy Joyce para lang maipagpatuloy ang kaniyang pag aaral.

Bitbit aniya kasi ang kaniyang mga anak tuwing papasok sa klase, Minsan isa, minsan naman dalawang anak nito ang kasa kasama niya sa eskwela.

Joyce Yabres via theAsianparent Philippines | Facebook

Joyce Yabres via theAsianparent Philippines | Facebook


Paminsan ay may napapakiusapan naman ito na kaibigan o kamag-anak para magalaga sa mga anak ngunit kung walang magbabantay dito ay isinasama na ito ni Mommy Joyce na lubos namang nauunawaan ng kaniyang mga mababait na professors at kaklase.

Pagkatapos sa trabaho ng asawa ni Mommy Joyce ay didiretso ito sa paaralan upang sunduin ang mga bata. Ngunit minsan, hindi maiwasan na patapos na ang klase nito bago makapagsundo si mister.

"Napakarami naming experiences na nakakatuwa, nakakatawa, nakaka-stress at nakaka-bless." Pagbabahagi ng estudyanteng ina.

Mayroon pang tagpo kung saan pinakiusapan ni Mommy Joyce ang kaniyang brother-in-law na magpunta sa eskwela para kargahin ang kaniyang 7-buwang gulang na sanggol dahil kailangan nitong mag-report sa klase.

"Habang nasa last few slides na ako ng aking report ay dinig na sa buong building ang napakalakas na iyak ni baby. Gutom na gutom na siya."

Joyce Yabres via theAsianparent Philippines | Facebook


Inabot ito ng limang taon sa pagaaral bago tuluyang matapos ang kaniyang Master's degree. 3 taon gulang naman ang kaniyang panganay ng siya'y magsimulang mag-aral.

Buntis pa lang din ito noon sa pangalawang anak habang pinagsasabay sabay ang trabaho, pag-aaral at pag-aalaga ng bata.

Hatid sundo ng bata sa eskwela sa umaga, sa gabi naman ay pag-aaral naman ang inatupag nito.

Nakakagulat pang inilahad nito ang nangyari sa kaniya noong siya'y nasa kalagitnaan ng pag-aaral.

"Huling semester ko na sa UP kaya kahit na nagkaroon ako ng c0vid sa kalagitnaan ng sem. Tuloy pa rin ako sa pag-attend ng online class"

Gayunpaman, tuloy sa pagtupad ng pangarap si Mommy Joyce at patuloy na naniniwalang napakahaba at masukal man ang paglalakbay, sa huli ay sulit naman ang maaasam na tagumpay.

Matapos ang dalawang araw na inilaan para sa huling pagsusulit ay sa wakas at nakuha na rin nito ang inaasam na Master's degree at nakapagtapos via "virtual graduation"

Joyce Yabres via theAsianparent Philippines | Facebook


Lubos itong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniyang paglalakbay at sa huli ay ibinahagi ang pinaka importante niyang natutunan sa kaniyang karanasan.

"Napakaraming mga natutunan. Napalakas ang ating karakter at pananampalataya. Nahubog ang ating pagkatao. Namulat ang ating isipan"

"Nabago ang ating pananaw. Na ang tagumpay pala ng isang tao ay hindi nasusukat sa diplomang papel, sa 'sablay', o sa ano mang seremonya ng pagtatapos."

"Ang tagumpay pala ay makikita sa araw-araw na paglaban sa mga hamon ng buhay. Ang makatulong sa iba, makapagbigay inspirasyon sa iba, maiangat ang iba, magbigay direksyon sa iba, maglingkod sa iba, itong pala ang tunay na tagumpay."

Ilan sa mga netizens ang nagbigay ng komento at kauganay na karanasan:

Relate much I took a comprehensive exam w/ my baby on my lap & still got d highest score just inspiring other moms... Don't use ur kids as excuse for not doing instead let them be ur inspirations for doing... I salute u Mom - Tanggaya

Same here din po nung nag aral kmi ng sister ko sa ALS dala nmin pareho baby nmin they both 2 years old may baon kmi feeding bottle awa ng dyos nkagraduate din..thank you po Sir Ver Manggante District ALS Coordinator Pinamalayan Or.Mndoro.. – Mechelle

I salute all mother who try harder to continue to reach their dreams.Youre one of our inspirations kahit mahirap kakayanin para s pamilya you're unstoppable!!keep going - Mereker