Viral ngayon ang Facebook post ng isang estudyanteng nagrereklamo matapos niyang makakuha ng bagsak na grado sa kanyang MAPEH subject kahit na kumpleto naman ang kanyang mga requirements.
Sa Facebook post ni Willow Hamada, sinabi nito na nawala raw ng kanyang teacher ang ipinasa niyang projects at activities kaya siya nakakuha ng 74 na grado sa Music, Arts at Health.
Tanong niya, bakit siya bagsak kung mismong teacher niya ang nakawala ng kanyang mga requirements?
“Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak??” sabi ni Willow.
“I mean, it's very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades?” dagdag nito.
Mabilis na kumalat sa social media ang post ni Willow na ngayon ay mayroon ng 36k reactions at 36k shares.
Narito ang kanyang buong post:
“I just got my card now, i'm dissapointed. They give me a 74 in mapeh, nagchat ako sa teacher ko kung bakit ganon grades ko. Ang sagot niya, kulang daw ako sa requirements which is not. Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak?? I mean, it's very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades? I just thanked God that i have a parents who doesn't pressure me to have a high grades, but giving us low grades just because nawala nila yung napasa namin is very wrong.”
***
Source: Willow Hamada | Facebook