Estudyante sa Leyte nanalo ng P20M sa int'l science competition, tinalo ang 11,000 entries sa buong mundo - The Daily Sentry


Estudyante sa Leyte nanalo ng P20M sa int'l science competition, tinalo ang 11,000 entries sa buong mundo






Bukod sa sipag at tyaga, talino ang isa mga puhunan upang makamtan ang ating mga pangarap at magtagumpay sa buhay nang walang tinatapakan na ibang tao. Idagdag mo pa dyan ang pagiging madiskarte o malikhain na natural na sa mga Pilipino, at tiyak na magwawagi ka sa anumang hamon ng buhay. 


Ilang beses na itong napatunayan ng karamihan sa mga pinoy na hindi nagpatinag sa anumang pagsubok at nalagpasan ang mga problema kaya tinamasa ang tagumpay. Kabilang na rito ang estudyanteng na mula sa Tacloban, Leyte na isang Yolanda survivor. 




Maaalalang hinagupit ng matindi ng bagyong Yolanda ang probinsya ng Leyte taong 2013. At isa sa mga pamilyang naapektuhan ng malala ang pamilya ng Grade 12 student na si Hillary Diane Andales. 






Pagbabahagi nya, "We had to run up to our double-deck bed kasi we didn't have a second floor," 


Dagdag pa nya, "My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided," 


Gayunpaman, laking pasalamat ng estudyante na walang napahamak sa kanilang pamilya nang binayo ang kanilang probinsya ng naturang bagyo. Kaya naman bukod sa kanyang pagmamahal sa Science ay nagbigay daan ang pagsubok na iyon para lalo syang magsumikap sa buhay at manalo sa isang napakalaking kumpetisyon na nilahukan ng 11,000 participants sa buong mundo. 





Sa 178 countries na lumahok sa international science competition na Breakthrough Junior Challenge, tinanghal na grand prize winner ang pride ng Leyte na si Hillary. 









Gamit ang kanyang project na pinamagatan nyang "Relativity and the Equivalence of Reference Frames", hinirang na kampeon ang genius student at nagkamit ng napakalaking pampremyo. 




Ang total prize na inuwi ni Hillary ay nagkakahalaga ng P20 million, kabilang na ang reward sa kanyang guro at paaralan at scholarship grant. 





Sa entry ni Hillary, ipinaliwanag nya sa malikhain at simpleng paraan ang Theory of Relativity sa tulong ng cellphone at pick-up truck. 


Layunin ng patimpalak na parangalan ang mga matatalinong estudyante na kayang ipaliwanag sa layman's term o simple at mas malinaw na paraan ang mga komplikado at minsan ay mahirap intindihin na bagay sa siyensya.


Aniya, ang tingin nya sa kanyang oras ay "pera".


"If I don't think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource," pagpapatuloy nya.


"It's a good way to look back on my growth,"


"When I look at my attempts folder, I see myself as someone who's not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win," aniya pa. 


Bata pa lang umano si Hillary ay na-hook na agad sya sa siyensya dahil imbes raw na fairy tales ang ikwento sa kanya ng kanyang mga magulang, ay puro science trivia ang ibinabahagi ng mga ito sa noon ay maliit pang si Hillary.