Doktor, namangha sa kanyang pasyente matapos bayaran ang perang itinulong niya noon - The Daily Sentry


Doktor, namangha sa kanyang pasyente matapos bayaran ang perang itinulong niya noon




“Alam mo ‘yong feeling na ‘yong people who struggle financially, sila pa ‘yong may pure heart,”


Ito ang tagos pusong salaysay ng isang Doktor na nadestino sa isang Rural Health Center ng Loon, Bohol sa kanyang hindi makakalimutang karanasan at hindi niya lubos inakala ang ginawa ng kanyang  naging pasyente noon. 


Bumihag sa puso ng mga netizens ang ibinahaging mga larawan na ipinost ni Dr. Alfie Calingacion sa kanyang social media account.  



Kwento ng Doktor, naaalala niyang may tinulungan siyang pasyente noong nakaraang taon pa na may sakit at impeksy0n sa binti, ngunit hindi niya na matandaan ang mukha at pangalan nito. 



Pansin niyang walang-wala di umano ang matanda upang pangbili ng mga gamot na nireseta niya sa kalagayan nito, at nagkataon pang naubusan rin ang kanilang health center ng mga ipinamimigay na mga libreng gamot para panlunas sa kanyang impeksy0n. 


“I had a patient who had no money for the medications I prescribed. So I gave him money. This happened last year, I even forgot his name and face already,”


“It just so happened that we don’t have supply anymore of the intended/appropriate medications for him,” 


Binigyan niya ng pera ang matanda upang may maipambili ito ng kanyang mga kinakailangan mga gamot at hindi na iniisip pang singilin o mababayaran siya nito. 


”Knowing he won’t be able to buy them, I gave him money without the intention of him paying back. All I wanted was really for him to get better,” saad ng Doktor



Makalipas ang halos kalahating taon, hindi niya inasahan nang may lumapit at nag-abot sa kanya ng isang sobre at nang buksan niya'y may laman itong pera.


"Doc mobayad ko sa akong utang nimo [Doc, magbabayad ako ng utang ko sayo]," ito ang narinig niya mula sa kanyang pasyente na ang akala niya'y magpapacheck-up lang sa kanya.


“I was shocked po. Akala ko pumunta siya to have another medical consultation. But, ayun, he gave back the money. "



"Then nag-insist pa ako na hindi tanggapin ‘yung pera since alam ko na need niya ‘yun. But sabi niya, hindi sa kanya ‘yun pera kaya need niya ito bayaran.”  


Aminado ang doktor na siya'y nagulat at namangha sa kabutihan ng kanyang pasyente na kahit pa alam niyang  hirap sa buhay.





“Nakakataba po ng puso. Kasi when I gave him the money last year pa, hindi ko naman sinabi sa kanya na need niya bayaran. All I wanted was for him to be cured. People who struggle financially, sila pa ‘yung may pure heart.”


Pinusuan din ng mga netizens ang magandang kalooban ng Doktor na bukas pusong tumulong sa kanyang mga pasyente. 


Labis na ikinatuwa rin nila ang naging aksyon ng tinulungang pasyente na kahit pa sa kasalatan ng buhay ay nagawa parin niyang bayaran at suklian ang naitulong sa kanya.


***

Source:  News5

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!