Isang kwento ng dating 'dishwasher' ang nagsisilbing inspirasyon ngayon sa social media dahil sa nakakamanghang kwento ng paglalakbay nito tungo sa kaniyang pinapangarap na buhay.
Sa Facebook page na Richard Knows, ibinahagi ni Richard Licop ang kaniyang naging karanasan para makamit ang kaginhawahan na tinatamasa niya ngayon at para na rin payuhan ang mga di umano'y nayayabangan sa kanyang taglay na karangyaan.
"Nuknukan ng yabang, Post ng post ng kayabangan sa Facebook."
"Habang naglilinis ako ng kwarto , Nakita ko itong Paycheck ko nung 2011. P80 ang sahod ko kada araw bilang isang "DISHWASHER at BOY" sa Karinderia habang nagaaral ng College. Natutulog ako sa sahig ng karinderia at kailangan kong gumising ng 4am para mag Mop ng sahig, Maglinis ng CR at magbukas ng karinderia."
Richard Knows | Facebook
Richard Knows | Facebook
"4pm ako mag a-out para naman pumasok sa School dahil pang gabi naman ako nuon. Grabe yon! Tapos uuwi ako uli sa karinderia para hugasan uli ung mga patong-patong na hugasin , mga malalaking kawali at mga Plato na halos mataas pa sakin Araw-araw ganon ang routine ko pero hindi ako napapagod dahil may gusto akong marating! Na Balang araw , Mabibili ko rin lahat ng gusto ko . Makakapunta sa ibat ibang lugar o bansa , at Makaka kain ng masarap sa restaurant na hindi na ako ang maghuhugas!"
Richard Knows | Facebook
Richard Knows | Facebook
"Kaya huwag kayong mayabangan sakin kung panay ako post ng mga nabibili ko at napupuntahan. Nangarap lang kasi ako noon, ngayon natutupad ko na"
"Kung may Bago kayong gamit, Ipost niyo lang! Kung may bago kayong napuntahan , ipost nyo lang! Kung may pagkain ka na ngayon mo lang makakain , ipost mo lang! Wala silang alam sa pinag daan mo kaya wala rin silang pakialam sa ipopost mo . Kahit anong gawin mo , Kung inggit sila, Para sa kanila nagyayabang ka."
Richard Knows | Facebook
Richard Knows | Facebook
"Sa mga gaya kong lumaki sa hirap, Wag kayong tumigil mangarap . Hindi tayo habang buhay mahirap. May mangungutya sayo, may hindi susuporta , madalas kamag-anak at kaibigan mo pa pero tandaan mo, "Walang ibang maniniwala sayo , maliban sa sarili mo." Focus lang sa pangarap mo para sa sarili mo at lalo na para sa Magulang mo."
Richard Knows | Facebook
Tuloy lang po tayo sa pag abot ng pangarap, isang araw paggising natin magugulat ka na lang at abot-kamay mo na ito.
Source: Richard Knows | Facebook