Marami nang kwento ng tagumpay ang nagpabilib sa atin. Pero ang storya ng dalawang ito ay hindi pangkaraniwan. Tunghayan ang pagmamahalan ni Arriane Joy Suarez at Maverick Alejandro na kapwa nagtagumpay sa buhay dahil sa kanilang pagmamahal sa isa't isa na nagsimula noong sila ay mga estudyante pa lamang.
Couple goals na maituturing ang dalawa dahil sa hirap at ginhawa, nanatili silang magkasama sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila. Noong naga-aral pa lamang, nagtitinda na si Arriane sa kanilang eskwelahan para lang magkaroon ng baon.
Sa kanyang mga larawan na nai-post sa Facebook, makikita ang kanyang mga paninda gaya ng tinapay, sabon, lip tint, at iba pa. Buong puso naman syang sinusuportahan noon ng kanyang boyfriend na si Maverick sa lahat ng kanyang raket at sinasamahan pa syang makipagmeet sa mga online buyers kapag magde-deliver ng kanyang paninda. Hanggang sa nagsimula na silang magbenta ng mga damit sa gilid ng kalsada para lang may pandagdag kita.
Naging sandalan nila ang isa't isa para magsumikap at magtagumpay sa kabila ng hamon ng buhay.
Basahin ang caption sa bawat larawan para sa detalyadong kwento ni Arriane:
Totoy at nene days (2017) 16yrs old Crush ko sya pero ayaw nya aminin na crush nya rin ako hahaha, pero lagi sya nabisita sa bahay, sa labas nga lang kame natambay eh kasi di malaman dito kung type ba ako sabi nya hindi daw kase hahaha, hanggang sa pinakilala nya narin ako sa fam nya hihi.
School days tuwing lunch excited magsabay kumain, syempre dahil bago palang, mahal mahalan muna kame hahaha.
Jeje days couple pa hahaha favorite namen mag ukay hihi kasama kona yan peke palang sumbrelo nya kasi yun lang afford namin, pero ngayon grabehan namahilig sya sa vintage cap pumapatak 3,500 more than yung isa.
Support sa sports nya, as in support palagi ako namamaos pagkatapos ng laro sigaw ba naman ng sigaw kakacheer sakanya yiieee.
Ayun champion at MVP sya, syempre ako best in muse, pero dina kami naka jersey nyan
Puppy love lang sa paningin ng iba, hati pa kami sa baon na 70 nyan thank you val.. sya nagmamanage nung para makatipid at magkasya sa isang araw.
Nagdedeliver kami ng order, waiting sa ka meet up (online seller kasi ako)
Tinutulungan nya ako mag arrange kasi pipicturan ko yung own brand ko ng liptint
Pag tapos nya kumuha ng pera padala ireremit nya saakin kaya sya palagi may ID na dala
Gala rin minsan kahit saktuhan lang yung pera, pagkauwi at matutulog eto yung ka prayer buddy ko. Madasalin tong lalaking to.
Sumubok mag pwesto kahit sa gilid lang ng kalsada
Remit ulit sya pagkatapos magdeliver hehe
Tinutulungan nya ako hanapin yung order saakin
Konting picture para may proof of orders kami
Di amin yan kundi pasweldo ko naman sa iphone paluwagan ko yan hihi
Luwas kami nyan pagod sya palagi magbitbit saakin kasi magaan lang
Pagod yarn?
Ever since di nakakaligtaan yung sulat sa hotdog
Nagdaan na ang mga anibersayooo
Nagka ebikeee, drive thru kahit di naka kotse
Pwesto lang ulit kung saan man
Kain lang ng kain
Hanggang sa...
Super supportive lahat ng kailangan ko ipaayos kinakaya nya, ginagawa nya, sobrang swerte ko.
Valari Shop ph. At dahil matangkad sya sya na nakilos weekly ko kasi pinapaayos para maaliwalas at na shushuffle paninda di naman din naglalast ng 2days more on stocks pero yun para sa ibang natitira.
Dami kaming bulk orders nyan isang tao 33k pinapadala kaya need magsipag, kumikita ng magkasama no need na mag work yung isa saamin para kumita.
Eto yung first time nya mag try ng clothing sabi ko susupportahan ko sya tas ayun naging best seller sya grabe talaga🥺 nagrerelease sya 150pcs a month grabe
Fb page : Valari Shop ph. Charan ang aming shop na may magandang sound system kahit papaano, airconditioned, araw araw na didisinfect, tatlong ceiling fan para mas presko, at proud to say malinis🥰 kung gusto ko kumanta meron akong mic dyan, kung gusto ko maligo meron akong magandang banyo dyan.💜 Kung gusto mo matulog meron akong malaking kama super comfortable pagpahingaan habang waiting sa customers tamang fb lang at next week may wifi na rin❤️
Fb page : Valari Shop ph. sa totoo lang kabado ako nito kasi iniisip ko sino pupunta, tas expectation ko 300 lang kikitain ko kada araw🥺 Pero boom thank you bermonths pumapalo tayo ng 20-60k a day yung pinaka mataas ko umabot ng 70k isang araw😭❤️
Ipon ipon ipon
Ganito lang kame, araw araw magkasama, maikli lang ang buhay pipiliin kong palagi kang makasama, kumita ng kasama ka, kumain, lahat lahat. Ang oras sobrang importante kaya hanggat maari kaya nating kumita ng pera magkasama pls lang sikapin natin.
Ngayon kahit anong gusto namin kainin pwede na, pwede kami mag pares, pwede rin kami sa mahal kahit ano🥺
Mga dating bagay na mahal, na akala mo eh hanggang tingin mo nalang eh magkakaroon karin pala, nakakapag shopping na tayo ng hindi na gaano iniintindi at tinitignan yung presyo.
Last year pa namin to nakuha sama kona rin sa post kona to hihi, waiting sa bermonths
Pangarap nya magkamotor, kaya nagsipag sya sa vintage business nya ayun nagkaroon sya pero binenta nya rin tas pinag open ko sya ng clothing🤣❤️ which is yung unknown clothing na naging best seller❤️
After a week Bunga din ng Unknown nagkaroon na sya ng Lisensya nya sa edad na 19yrs old yeheyy!! Ngayon tatlong design na pinapagana nya at malaki na yung savings nya saaken ako kasi taga hawak money saamin hahaha
Pero bago ang lahat, nagtiyaga akong i promote ang sarili kong paninda kahit di ako sikat Sumubok mag own brand ng liptint, kaya kaway kaway sa mga mahal na mahal yung liptint brand ko kasi kahit ilang taon na dipa rin namamaho
Nag eloading dealer ako, naging supplier ako ng mga load.
Binibenta ko kung ano yung makita kong uso at thankful dahil may mga bumibili
Kahit nasa school na ako palagi ako ineexcuse sa room para makuha nila order nila. Papasok akong walang pera pag uwi ko meron na hahaha.
Nag ukay ako kaya merong weekly orders sipag lang🙏
At sa mga araw na walang humpay sa pagdeliver, mapa araw man o umulan walang makakapigil sa batang dumidiskare para sa pangarap🥺❤️
Ultimo sabon basta legit bebenta ko yan
Magtitinda ako sa school para di patay yung oras, hanggat bata grind lang para kapag tanda eh relax nalang..
Ayan ang dami diba nag try din ako food business tas dami parin naka support
Nagbenta ako ringlight buti may naorderr parin hihi halos araw araw di ako nawawalhan ng order sa ilang taon ko na sa pag oonline selling
Natututo na ako mag ipon nyan kung paano talaga humandle ng pera.
Nakapag labas na ako ng clothing line, kumbaga nag sstep up na kasi kaya kona mag onhand
Wala ng time mag ayos dahil palaging busy sa pag papack, pagpipicture ng paninda, paghahatid ng order lahat lahat. Pero lahat ng pagod na yon may kapalit at ngayon nalalasap kona unti unti🥺❤️
Oct 16 ako simulang nangarap magkashop, pero parang favorite talaga ako ni Lord, char lahat naman tayo favorite ni Lord.
Oct 17 may tumawag saakin kung gusto ko daw ng pwesto tyempo grabe narinig araw ni Lord dalangin at plano ko ha.
(So kinuha kona, isang buwan ko pinarenovate, pero akala nyo ganun kadali huhu habang nirerenovate yung kinukwenta ko kailangan kong bayaran para kitain ko sya that day so non stop ako kakadeliver nun at paorder)
Nov 20 : ayun opening na ng shop kabado pa ako kung may pupunta ba, pero grabe umaapaw na blessings ngayon pati artista dinadayo na kami❤️