Diba college graduate ka? Bakit ganyan lang ang trabaho mo?
Naging mas mahirap ngayon para sa lahat ang paghahanap ng kahit anong mapapasukang trabaho dahil sa maraming mga kompanya at negosyo ang labis na naapektuhan sa hirap dulot ng pandemya. Marami ang natanggal at nawalan ng trabaho at marami din sa mga kompanya ang tuluyan ng nagsara.
Ibinahagi ni Lhanglang Apal ang nakakalungkot na pamumuna na kanyang natanggap mula sa mga mapangmata at mapanghusgang mga tao dahil lang umano sa kanyang pinasukang trabaho kahit paman daw siya'y nakapagtapos ng koliheyo.
Larawan mula sa post ni Lhanglang Apal |
Aminadong hirap siya sa paghahanap ng mapapasukan, ngunit hindi ito nakapagpatigil kay Lhanglang, bagkus ay pinairal nito ang diskarte hanggat matanggap sa trabaho, hindi man ayon sa natapos niyang kurso basta't marangal at kumikita.
"Sabi nila College Graduate daw ako tapos hindi ko ginamit yung kurso ko kasi Promodiser/Promo Girl/ Push Girl lang ako, asan naba raw yung natapos ko at bakit ito lang trabaho ko ngayon,"
"Sa hirap maghanap ng trabaho, sa hirap makapasok sa mga Hotels ngayon, bakit hindi ako papasok sa ganitong trabaho? Kailangan ba talaga kung ano ang natapos mo dapat yun din ang present na work ngayon?"
Hindi na uso para kay Lhanglang ang pairalin ang kaartihan at pride, lalo na sa panahon ngayon, kaysa naman daw tutunganga lang siya sa pag-aantay ng tamang panahon upang magamit kung ano man ang natapos niya sa pag-aaral.
Larawan mula sa post ni Lhanglang Apal |
"Ekis na yung puro ka kaartehan at namimili ng trabaho kasi hindi tayo uunlad niyan. As long as legal at marangal na trabaho at wala kang pili at walang arte,"
Narito ang kanyang buong post:
Sabi nila College Graduate daw ako tapos hindi ko ginamit yung kurso ko kasi Promodiser/Promo Girl/ Push Girl lang ako, asan naba raw yung natapos ko at bakit ito lang trabaho ko ngayon.
Well, sa hirap maghanap ng trabaho ngayon, sa hirap makapasok sa mga Hotels ngayon, bakit hindi ako papasok sa ganitong trabaho? Kailangan ba talaga kung ano ang natapos mo dapat yun din ang present na work ngayon?
Let me remind you guys, hindi yan nagmamatter sa kung ano man ang natapos mong kurso sa trabahong meron ka ngayon! Diskarte na ang kailangan ngayon.
Ekis na yung puro ka kaartehan at namimili ng trabaho kasi hindi tayo uunlad niyan. As long as legal at marangal na trabaho at wala kang pili at walang arte. Pwede ka!
Larawan mula sa post ni Lhanglang Apal |
Please, baguhin niyo ang ganyang mindset na kesyo nakapagtapos ka ng kolehiyo at grumadweyt ka sa kinuha mong kurso ay wala ka ng right magtrabaho sa ibang bakanteng posisyon?
So kung ikaw, attitude ka tapos gusto mo na kung ano ang natapos mo, yun din dapat ang trabaho mo, pano pala kung wala pang vacant sa kurso mo? Tutunganga ka nalang? Aantayin mo kung kelan ka makapagtrabaho sa kurso mo? Big No No!
Dapat meron kang 2nd option, kasi kung mag-aantay ka lang kung kelan may magbubukas na posisyon sa natapos mo, kung attitude ka, hindi ka talaga aasenso niya. Habang may panahon pa, change your mindset.
Kung ikaw ambisyosa ka, tas napakapihikan mo sa mga trabaho, wala kang maabot. Sabi nila "Ambition is the first step to success, the second step is action" so kung ikaw hanggang sa ambisyon ka lang at wala kang ginagawag aksyon, useless lang lahat ng iyong mga ambisyon.
Larawan mula sa post ni Lhanglang Apal |
Kaya magsumikap ka. Sabi nga nila " It's better to take any job to pay them bills until you can find better, Pride doesn't pay bills.
Wala kang trabaho? Maghanap ka ng kahit anong trabaho. Don'y sit at home waiting for the magical oppurtunity. Do something until you can do something else.
Larawan mula sa post ni Lhanglang Apal |
Larawan mula sa post ni Lhanglang Apal |
Larawan mula sa post ni Lhanglang Apal |
***
Source: Lhanglang Apal
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!