Ito ang pinakahihintay na araw ng lahat ng mga magkarelasyon ang tuluyang mag-iisang dibdib at magsama sa pamamagitan ng seremonya ng kasal.
Dito marahil ibinubuhos lahat hindi lamang ang puyat at pagod para sa pagpapaplano ang lahat ng preperasyon upang maging maayos at maganda ang magiging kalalabasan ng kasalan, maging man ang malaking gastos at pera na kinakailangan.
Ngunit paano nalang kung ang pinagagastusan at pinaghahandaan ng ilang buwan para sana sa maayos at bonggang kainan ay nai-scam pala ng isang pinagkakatiwalaang event coordinator?
Photo | Tonskie Elsisura Photography |
"Yung sobrang happy ang lahat dahil tapos na ang ceremony at kainan na, pero pagdating sa venue ay scam pala dahil walang handa, wala lahat," saad ni Tonskie Elsisura sa kanyang post
Makikita sa kuhang video ni Elsisura ang napaupo at napahagulhol nalang na bride dahil sa masaklap ng pangyayari na kaniang nadatnan.
Ayon pa umano sa bagong kasal, nabayaran na nila lahat lahat ng gastos at maayos na ang kanilang naging personal na usapan sa event coordinator na si Naser Fuentes, isang araw bago ang kanilang kasal, para sana sa masayang pagsasalo-salo at programa pagkatapos ng seremonya.
Hindi na umano nila matawagan at makausap ang coordinator nila at ito'y kanilang inintindi at baka sakaling naging abala lamang umano ito sa lahat mga preparasyon para sa venue.
Lahat ay nagulat nang dumating sila sa napagkasunduang venue na sarado at walang mga nakahanda. Ayon pa umano sa management na kanilang nakausap, walang nakabook sa kanilang property sa araw na iyon.
Narito ang kanyang buong post:
EDIT: According sa couple, fully paid na daw sila sa coordinator na si Naser Fuentes. Nagpakita pa ang coordinator during wedding preparation at the couples residence.
Then by lunch time, umalis na si Naser and hindi na nila makontak, but we assumed maybe busy sa decor sa venue. So after church which is sa Minglanila pa, proceed kami sa venue sa Kiaras catering and events sa may Labangon ares, at pagdating namin doon, close talaga ang venue! Walang handa, Wala lahat!
According sa manangement wala daw nakabook na event that day. Pati kami mga suppliers na-scam din, hindi kami nabayaran.
First time in history sa wedding! Pagdating namin sa venue walang handa! Tahimik at malungkot ang venue! Kawawa! Pati kami rin kawawa! Naser Fuentes harapin mo sila. Pinaka grabe to!
***
Source: Tonskie Elsisura
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!