Normal sa isang nagdadalang tao ang pagdaan sa paglilihi. Kadalasan sa mga pagkaing pinaglilihian ng mga buntis ay ang mga maasim na prutas gaya na Manggang hilaw, Santol, Pinya o kung minsan naman ay mga matatamis na pagkain.
Mayroon din mga naniniwala na kapag naglihi ang mga ito sa manika, katulad nito ay magiging maganda ang mukha ng kanilang magiging anak.
Pero kakaiba ang paglilihi ng isang babaeng ito mula sa bansang Indonesia. Napaglihian lang naman ng buntis na ito ang pagkain ng sabong pampaligo!
Kinilala ang babae na si Khosik Assyifa mula sa probinsya ng East Java. Ang pagkain ng sabon ay hindi ni minsan sumagi sa kaniyang isipan na, ito ang kaniyang mapaglilihiang kainin.
Nagsimula ang lahat ng aksidenteng matikman ni Khosik ang sabon na ginagamit niya pampaligo. Tulad ng ibang sabon na may mga 'fruity flavor' ang isang ito ay manamis namis at mala-prutas ang lasa.
khosikmubarok / Instagram
khosikmubarok / Instagram
Kaya naman tinikman niya itong muli at mula noo'y naging parte na ng kaniyang paglilihi ang pagkain ng sabon.
Aminado si Khosik na kakaiba at nahihiya siya sa pinaglilihian niya, kaya palihim niya itong ginagawa at madalas nagtatago sa kaniyang asawa kapag siya ay kumakain ng sabon.
Makalipas ang ilang buwan ay nanganak na si Khosik, habang buntis ito ay hindi raw kailanman nakaramdam ng pagsama ng pakiramdam o tiyan dahil sa patuloy na pagkain nito.
khosikmubarok / Instagram
khosikmubarok / Instagram
Maging ang kaniyang anak ay normal naman at magpasa-hanggang ngayon ay malusog ito at walang naging sakit mula nang ipinanganak.
Ngunit hindi kagaya ng ibang buntis, ang paglilihi ni Khosik ay hindi natuldukan matapos niyang manganak.
Nagtuloy-tuloy ang pagkain ng sabon ng 21-anyos na Indonesian, bagay na kaniyang ikinagulat dahil hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang pagngata rito.
Dahil dito, nag viral ang video ni Khosik habang siya'y kumakain ng sabon. Pero hindi lang ito basta meryenda o midnight snack ha!
khosikmubarok / Instagram
khosikmubarok / Instagram
Isa itong kakaibang pagsusuri sa isang brand ng sabon, kung saan pinapakita niyang tinitikman, sinisipsip at kinakain ang mga ito para alamin kung anong masasabi niya sa produkto.
Higit 270k libong beses itong napanuod sa social media account ni Khosik. Kita naman anila na gustong gusto nito ang kaniyang ginagawa.
Ngunit ang sabon ay hindi tamang pagkain at hindi nararapat na kainin ng kahit sino man.
khosikmubarok / Instagram
khosikmubarok / Instagram
Maaaring naglalaman ito ng mga kemikal na makakaapekto sa katawan kaya marapat lang na gamitin ito sa paglinis ng katawan at hindi gawing meryenda o chichirya.
Hindi porket walang nararamdaman o hindi nagkakasakit si Khosik ay pwede na itong gayahin ng iba. Maaring hindi niya pa nararamdaman sa ngayon ang kung ano man ang epekto nito sa kanyang sarili.
Sana ay maisipan din nitong magpasuri sa doktor, kung hindi pa man. Para lang masigurado na ligtas ang kaniyang kalusugan.
Khosik Assyifa
Source: newsthrilla.com