Isang istorya ng tagumpay ang ibinahagi ni Ana Rose Aquino sa kaniyang Facebook account na sadyang kinamanghaan ng maraming netizens.
Isang breadwinner na nangarap at nagsimula ng maliit na negosyo, hanggang sa ito'y lumago at patuloy na pinagbubutihan. Upang sa ganon ay patuloy na masuportahan, ang kaniyang mga mahal sa buhay.
Halina't silipin natin ang kaniyang kwento,
"Google reminded me today how we started."
"7 years ago, we started a business with 1k pesos. Yung negosyo namin unbranded detergent powder. We called it BMRP!"
"Separate yung kita ng sabon, sa sweldo ni romil. Pinagkakasiya namin lahat."
"Hanggang sa 1k puhunan naging 5k, naging 25k and lumago, nanganak ng ibang businesses. (Bubble Wrap Philippines , Lakambini Inc. | Porchetta Philippines- Lechon Belly)"
Ana Rose Aquino | Facebook
Ana Rose Aquino | Facebook
"Dati hanggang antipolo overlooking lang ang kaya naming DATE, tapos kinaya na mag-BORACAY. After 2 years na ipon nakapag HK and Macau!"
"Dati mga thrift rooms lang kaya namin budget sa Hk. Nung nagpunta kami ng Singapore and China, naranasan na namin mag Hotels."
"Masaya na ako sa HK kasi may disneyland. D ko akalain makakapunta pa ako sa universal studios Sg and Nami Island, Korea and Australia."
Ana Rose Aquino | Facebook
Ana Rose Aquino | Facebook
"Madami kaming pinagdaanan. Mahirap talaga sa umpisa. Pero ang importante magsimula ka. Kasi pag nandyan na kakayanin mo yan!"
"Nung una, kaming dalawa lang nagbubuhat ng 50kgs na sabon, NAG-CARAVAN sa init dala yung cabstar na pinahiram ni papa Romy, naglalako mula cavite hanggang baguio!"
"Ngayon may bago ng sasakyan! Praise the Lord!"
"Anim na taon, bago namin naabot yung pangarap namin na Kasal."
Ana Rose Aquino | Facebook
Ana Rose Aquino | Facebook
“Every small step is progress”
"It doesnt matter how slowly you go, as long you dont stop"
"Sobrang thankful ako kay Lord binigyan niya ako ng mas masipag, mas madiskarte at higit sa lahat supportive na kasama sa buhay. Kasi kahit anong hirap, kinakaya ng magkasama."
"At ngayon, umabot na ng 7 years! Pitong-taon na mapapagod pero hindi susuko. Mag-aaway pero hindi maghihiwalay. Marami pa kaming aabutin na pangarap."
Ana Rose Aquino | Facebook
Ana Rose Aquino | Facebook
"Sabi nga nila “You don’t have to be great to start, But you have to start to be great” at kapag napagod kana “remember why you started”. - Para sa pamilya, at sa bubuuing pamilya."
"Dahil breadwinner tayo, matatag tayo!"
"Benta lang ng Benta! Wag ka mahihiya."
Kasalukuyang sampung libong netizens ang namangha sa kwentong ito at patuloy na ibinabahagi sa karamihan, upang magsilbing inspirasyon at makadagdag determinasyon sa mga tulad nilang lubos na inaasahan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Source: Ana Rose Aquino | Facebook