Kumurot sa damdamin ng mga netizen ang isang kuhang video ng batang lalaki sa probinsya patungkol sa ibinigay niyang payo at pagpapaalala sa mga kapwa niya kabataan ngayon at sa lahat ng mga anak na huwag pabayaan ang mga magulang na sila parin ang gumawa at iaasa parin sa kanila ang mga kahit simpleng gawain sa bahay.
Umani ng nag-uumapaw na views ang inupload na video ni Jhon Errol Mampusti tubong Tugos Boac, probinsya ng Marinduque kung saan makikita at mararamdaman mo kung gaano niya pinahahalagahan ang bawat sakripisyo ng kanyang magulang maghanapbuhay upang sila’y may makakain sa araw-araw.
Panganay sa dalawang magkapatid at masipag na nag-aaral parin si Jhon. Payak at mahirap man ang kanilang nakagisnang buhay, hindi nakakalimot ang bata na maging masunurin at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang.
“Alam mo kapatid, ako’y naiinggit sa mga bata diyan na inututusan pa ng kanilang mga magulang na maghugas ng pinggan pagkatapos kumain,”
“Wag kayong tamarin. Wag kayong tamarin maghugas ng pinggan kasi ho, kung kakain nalang kayo tapos sila pa paghuhugasin niyo diba? Nakakaawa naman mga magulang nating ganon,”
Ipinakita din ni Jhon ang kanyang kinakain sa tanghalian na tanging puro nilagang kamote lamang dahil wala pa umanong maipambiling bigas dahil hindi pa sumasahod ang Ama nito sa trabaho.
“Tingnan niyo ko oh, tingnan niyo yung pinggan ko, kung ganito huhugasan niyo magkusa nalang kayo,”
“Tingnan niyo yung kinakain ko. Katanghaliang tapat yan. Di ba, alas dose na ganito kalaking pinggan. Kamote lang malakas,”
Kung karamihan sa mga kabataan ngayon ay halos puro nalang mga gadgets at babad sa maghapong paglalaro at wala ng natututunan sa pagtulong ng mga gawaing bahay, pinapapayuhan ni Jhon na sana’y bigyang halaga ng mga anak ang bawat pagod at sakripisyo ng mga magulang para sa kanila.
“Pasensya na kayo ha, wala kasing kanin eh. Kaya kamote nalang muna. Di pa kasi sumasahod si Papa. So kain. Wag kayong tamarin maghugas kasi maawa naman kayo sa mga magulang niyo,"
Ibinahagi din ni Jhon sa iba pa niyang mga videos tungkol sa payak na pamumuhay nila sa probinsya, nakatira sa kubo, masaya at kuntento. Sana’y kapulutan ng inspirasyon at aral ng lahat ang ginawa ni Jhon.
***
Source: Gwapong Marinduqueño
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!