Batang kalye na first time magkaroon ng birth certificate, laking tuwa nang mahawakan ito - The Daily Sentry


Batang kalye na first time magkaroon ng birth certificate, laking tuwa nang mahawakan ito




Kadalasan ay nababalewala na lamang natin ang mga bagay na 'basic' o 'common' para sa atin dahil alam natin na lagi naman itong abot kamay. Marahil ay ito rin ang dahilan kaya hindi natin nabibigyan ng pansin o sapat na halaga ang ilang mga bagay na mayroon tayo.

 

Tulad na lang ng birth certificate na kung tutuusin ay mayroon dapat ang bawat isa sa atin. Para sa karamihan, madaling magkaroon ng dokumento na ito. Ngunit iba ang sitwasyon para sa mga kapuspalad na walang tahanan o nakatira lamang sa lansangan. 



Sa mga taong gaya nila na labis na hirap sa buhay, pahirapan pa at katakot-takot na proseso ang kailangan nilang pagdaanan bago pa nila mahagilap ang kapirasong papel na iyon. Kaya naman talagang napakalaking bagay para sa kanila ang magkaroon nito.


Kilalanin ang batang kalye na si Angel na first time na mahawakan ang kopya ng kanyang birth certificate.



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng birth certificate copy ang 8-anyos na bata. Sa kanyang larawan na naka-post sa Facebook page na Popburri, mababakas kung gaano kasaya ang naturang bata nang mapasakamay nya ang isang papel na para sa marami ay hindi masyadong binibigyan ng importansya.



Kapansin-pansin rin ang ningning sa mga mata ng bata nang sya ay kinunan ng litrato. Ang dokumentong ito kasi ang magbibigay daan sa kanyang pag-aaral. 



Ayon sa nasabing post, ie-enroll umano nila sa kindergarten ang 8-anyos na bata na nasa larawan. 


Lubos itong umantig sa puso ng netizens dahil nagawang magbigay ng ngiti sa mga labi ng isang bata ang kung titignan ay tila isang simpleng papel lamang. Samantalang ang iba na halos nasa kanila na ang lahat ay hindi pa rin magawang maging tunay na masaya sa buhay. 


Narito ang caption ng nag-post sa larawan ng bata:


"Angel just got her first ever birth certificate and we are sooo excited to be enrolling her into kinder at the tender age of eight! Friends, you have no idea how many hoops need to be jumped through to get this piece of paper when you are homeless and don’t have all the proper info- we are truly celebrating. Fighting to be born, literally. Thank you Lord and all of you for your support."


Narito ang ilan sa komento ng netizens:


"This made me cry! Thank you for giving her a sense of self and community! God bless you all"


"Dunno why, pero I'm feeling her eagerness. I hope years from now she succeeds on her endeavors. Go kiddo! You can do it"


"She’s so cute! Thank you for all you do"


"Look at her smile, how precious!!!"


"All i kept saying was Awwww. Cute kid and bless your kindness, Camille! Stay safe!"


"Every soul .. is God's precious creation. Stay in school little girl.."


"Will you look at her joy! Thank you for doing this"