Bata, pinabilib ang netizens dahil sa nakakatakot nitong pag-akyat sa kisame - The Daily Sentry


Bata, pinabilib ang netizens dahil sa nakakatakot nitong pag-akyat sa kisame




Likas na sa mga bata ang pagiging malikot. Gayundin ang pagkahilig nila sa iba't ibang klase ng laro. Minsan pa, hindi maiiwasang mapaaway sila sa kanilang mga kapwa bata dahil dito. Natural kasi sa mga musmos ang maging makulit at pasaway. 


Kaya naman napakahalaga na may nagbabantay sa kanila sa lahat ng oras. Dahil malingat lang ng kaunti ay maaari nang mapahamak ang isang chikiting dulot ng taglay nilang kakulitan. 


Gaya na lang ng nasa video na ito na kumakalat ngayon sa social media. 



Sa naturang video, kapansin-pansin na may pagka-wirdo at hindi pangkaraniwan ang ikinilos ng isang bata. Base sa nakunan ng camera, mapapanuod na kayang kayang umakyat sa kisame ng maliit na bata.


Sa unang tingin, aakalaing sinaniban ang nasabing bata dala ng kaliksihan nito habang umaakyat sa kanilang kisame gamit lamang ang kanyang mga kamay at paa. Ngunit lalo itong naging kahindik-hindik sa paningin dahil nakatalikod pa sa pader ang chikiting habang ginagawa nya ang kakaibang paraan nya ng pag-akyat. 




Tila walang binatbat si spiderman sa galawan ng batang ito dahil sa murang edad pa lang ay napakadali na para sa kanya na gawin ang hindi pangkaraniwang bagay na iyon. 


Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:


"Madali lang Yan. Kailangan mo Muna humawak sa tae ng pusa. Napakadali lang makaakyat, promise.."



"Pinagpawisan kamay ko sa panonood lng neto"


"Na exorcist yata yan"


"Pinaglihi nun nanay ka Spiderman... Ma takot ka na Kung sa kisame gumagapan Yan parang butiki"




"parang gagamba lang, payat kc sya kayang iangat katawan.."


"Mas encourage ko pa yung bata.. Kasi sa kakaibang taglay na skills at lakas.. Pwese naman gawin mas safe ang kapaligiran kagaya ng pag lagay ng cushion sa ilalim... Imbis na bawalan alalayan lang ang bata"


"Magaling si baby,pro dapat me naka abang sa baba baka madulas masalo sya,ang aksidente d maiwasan."