Bata, matiyagang naghihintay ng customer na bibili ng panindang kabute sa katirikan ng araw - The Daily Sentry


Bata, matiyagang naghihintay ng customer na bibili ng panindang kabute sa katirikan ng araw



Ang mga bata tuwing bakasyon ay dapat naglalaro lamang at nagpapahinga. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay napipilitang silang maghanap-buhay upang makatulong sa kanilang pamilya.
Jessie Almoza / Photo credit to the owner

Sa kanilang murang edad ay namumulat na sila sa reyalidad ng buhay. 

Katulad na lamang ng batang si Jessie Almoza na nagbababad sa katirikan ng araw sa mahabang kalsada ng Sitio Camisong ng Loacan, Itogon, sa Benguet. 

Si Jessie ay nag-aabang ng mga motorista o mga taong mapapadaan para alukin ng kanyang panindang kabute.

Ang itinitinda ni Jessie ay organic kabute na isang variety ng Benguet mushroom na kung tawagin ay “bo-o.”
Jessie Almoza / Photo credit to the owner
Jessie Almoza / Photo credit to the owner

Unang kumalat ang mga larawan ni Jessie habang nagtitinda ng kabute sa Facebook page ng ‘The LOStories noong Hunyo 28, 2020. 10-anyos siya nun.

Makikita sa mga larawan ang maliit na pwesto na nilagyan lamang ng trapal upang may panangga ang bata sa tindi ng sikat ng araw.

Mabilis na nag-viral sa social media ang mga larawan ni Jessie at karamihan sa mga komento ng mga netizens ay puro papuri sa kanya.
Bo-o / Uri ng mushroom na itinitinda ni Jessie

Jessie Almoza / Photo credit to the owner

Sa isang panayam ng TV Patrol North Luzon-Baguio kay Jessie noong Hunyo 20, 2020 ay sinabi nitong mahirap lamang ang kanilang pamilya at na-str0ke pa umano ang kanyang ama.

Ang kanyang ina at kapatid na babae naman ang nangunguha ng kabute na kanyang itinitinda.

Kwento niya, maagang gumigising ang mga ito upang umakyat sa bundok ang kumuha ng boo.

Aniya, gagamitin niya ang perang maiipon sa pagtitinda ng boo sa mga panggastos sa kanyang pag-aaral sa susunod na pasukan.

Gagamitin ko po para makapang-ipon ng pera, para makabili ng gamit ko sa school.”

Iyon din ang sinabi ng kanyang kapatid na si Geta Wadwadan. 

Kami po iyung naghahanap, 'tapos sila po iyong nagbebenta. Iyong mga pinagbentahan, iniipon nila para sa pasukan po. Gamit nila sa eskuwela po.”
Jessie Almoza / Photo credit to the owner
Jessie Almoza / Photo credit to the owner

Sa isang plastic bottle iniipon at itinatago ni Jessie ang perang kinita sa pagbebenta ng kabute.

Bagamat apektado ng pandemya ang kanyang pagtitinda dahil bihira ang mga motoristang dumaraan, may ilang customer na pamilyar na sa puwesto ni Jessie.

Dahil sa pandemya ay apektado ang pagtitinda ni Jessie dahil malimit lamang ang mga motorista at mga taong dumaraan, ngunit may ilang customer naman ang pamilyar na sa puwesto ng bata.
Jessie Almoza / Photo credit to the owner
Jessie Almoza / Photo credit to the owner

Isa sa mga customer na nakapanayam ng TV Patrol North Luzon-Baguio ay si Ryan.

Ayon sa motorista, "Maganda rin naman po. Na meron silang ginagawa habang wala silang pasok. Dati-rati pag ganitong season, merong ganyan na ibinebenta dito."

Bagama’t may mga netizens na humahanga sa kasipagan at pagpapahalaga ni Jessie sa pera, marami rin ang nag-aalala sa kanyang kalusugan lalo na’t may kumakalat na sakit sa ating bansa.


***
Source: PEP PH