Ate Gay hindi nakapagpigil, nilabas ang listahan kung magkano ang halaga ng mga itinulong sa kanya ni Vice Ganda, atbp laban sa basher - The Daily Sentry


Ate Gay hindi nakapagpigil, nilabas ang listahan kung magkano ang halaga ng mga itinulong sa kanya ni Vice Ganda, atbp laban sa basher




Sa panahon ng kagipitan makikilala mo ang iyong mga totoo kaibigan, ayon nga ito sa isang kasabihan. Tila ito rin ang napatunayan ni Ate Gay matapos ang kanyang mahirap na pinagdaanan ngayong pandemya. 


Matatandaang nitong nakaraang Abril lamang ay naka-recover na mula sa sakit na Pneumonia si Vincent Aycocho o mas kilala bilang Ate Gay. 



Dulot ng naturang sakit, nangailangan ng malaking halaga ang sikat na komedyante para sa kanyang pagpapagamot. Dahil dito, may iilan syang mga kaibigan mula sa industriya ng Showbiz na nagpaabot ng tulong para sa kanyang tuluyan pagpapagaling. 


Ngunit kamakailan lamang ay muling naging matunog ang pangalan ni Ate Gay sa social media hindi dahil sa nasabing karamdaman, ngunit dahil sa naging pagkontra nya sa naging rant ng kanyang kaibigan na kilala sa tawag na 'Petite'.


Ani Petite sa kanyang Facebook post kung saan nag-react si Ate Gay, “Diyos ko 11.6 trilyon utang ng Pinas, kahit oras-oras magmax-rate si LYKA hindi mababayaran ang echos na ‘yannn!”


Tugon ni Ate Gay, “Ikaw na ang pangulo! Tingnan ko lang kung hindi ka umutang. Kakaloka ka Petite, tayo nga nagungutang tayo para sa pamilya natin dahil di naman tayo mayaman, ganun din ang Pilipinas di mayaman, mahirap mahirap mahirap noon paaaaaa!!!”


Dagdag pa ng triggered na komedyante, “Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi ang mangnega ng umaga, ang manisi, ang sisihin ang gobyerno… basa din, alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng Pinas, simulan n’yo ng 1986.”


Sa gitna ng kanilang alitan, pumukaw ng atensyon ni Ate Gay ang komento ng isang netizen na nagsabing sana ay hindi na umano tinulungan ni Vice Ganda ang impersonator ni Nora Aunor ng maospital ito. 


Kaya naman nilatag ni Ate Gay ang listahan ng mga taong tumulong sa kanya noong sya ay nagpapagamot pa. 


Resbak nya sa netizen, “Para matigil na ito .. eto mga nagbigay sa aking hindi ko hiningi … Paolo balesteros 30k beks batallion 30k calvin chua 20k vice ganda 20k ogie diaz10k ogie alcasid teri onor 10k sir jon 10k.. at ang kapatid ko 600k…” 


Aniya pa, “yung mga nagbigay sa akin di ginalaw ng kapatid ko bagkus ginastos ko sa renta sa condo maintenace ko at ng nanay ko… wala naman po akong trabaho kaya di sinama ng kapatid ko ang mga bigay ng mga kaibigan ko,” 




Pakiusap nya ay huwag na umanong mandamay pa ng ibang tao. 


Pagbabahagi nya sa kanyang Facebook post, nagtiis sya ng matindi para lang gumaling at magpatuloy sa buhay. 


“Isa ito sa tiniis ko.. na nalampasan ko….tiniis kong kumain para mabuhay salamat sa lugaw champorado sopas na bumuhay sa akin ng 20days. maraming salamat Lord,”


“Nagpagaling nagpalakas.. tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay.. sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito ..buti daw at ginusto kong gumaling,” saad pa nito.