Babaeng pinagsasabay ang pagtatrabaho habang nag-aaral, hinangaan ng mga netizens - The Daily Sentry


Babaeng pinagsasabay ang pagtatrabaho habang nag-aaral, hinangaan ng mga netizens



Ang pagiging working student ay totoong napakahirap dahil minsan ay kailangan mong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. 
Photo credit: James Detros

Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay kailangan nilang kumayod at maghanap-buhay upang may may perang maipangtustos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan at bayarin sa paaralan.

Kaya naman humanga talaga ang mga netizens sa isang babaeng pinagsasabay ang kanyang pagtatrabaho habang nag-aaral.

Sa Facebook post ni James Detros na ngayon ay mayroon ng 19k reactions at 14k shares, ibinahagi nito ang mga larawan ng isang babaeng nagtitinda ng burger habang nag-aaral.
Photo credit: James Detros
Photo credit: James Detros

Makikita sa larawan ang babaeng nagluluto ng burger at gumagawa ng kanyang assignment o module.

Nagkataon kasing maraming order ng burger kaya habang niluluto ang mga burger ay binabalikan ng babae ang kanyang assignment upang tapusin ito.
Photo credit: James Detros
Photo credit: James Detros

Napansin ito ng netizen at tinanong kung ano ang ang kaniyang ginagawa saad naman nito "Sir sandali lang po ah tinatapos kopo kasi yung assignment ko sa school sa college.”

Natuwa at naaliw naman ang netizen sa sinabi ng dalaga at sinabing "Sige lang tapusin mo muna yan." 

Humanga siya sa ipinakitang pagsusumikap ng estudyante na makapagtapos ng pag-aaral.

Dagdag pa niya, "Sa mga mag-aaral na huminto na sa pag-aaral dahil sa dala ng kahirapan, tignan niyo si ate gumagawa ng paraaan upang makapag-aral. walang dahilan para tumigil sa pag-aaral kung sasamahan mo ito ng tyaga at pagsusumikap.”

Maraming netizens ang na-inspire at nagpaabot ng kanilang paghanga sa dalaga. 

"Proud of you and praying for you. You can do it," sabi ni Grachelle Asistores.

"Proud MB crew here. Sobrang matrabaho yan kabayan. Padayon sa imong pangarap. Alam ko hirap ng crew lalo na at mag isa ka lang. God bless you," sabi ni Reinalyn Claveria Pame.

"Laban sa buhay, di habambuhay maghihirap tayo as long as pagsisikapan natin at samahan ng dasal," sabi naman ni Rey Anthony Aranas.
Photo credit: James Detros