Anak ng OFW, hindi sinayang ang pagod ng Ina; nakapag-ipon ng isang malaking drum ng pera - The Daily Sentry


Anak ng OFW, hindi sinayang ang pagod ng Ina; nakapag-ipon ng isang malaking drum ng pera




Lamang ang may ipon. 


Sa mga nakakalungkot na mga nangyayari ngayon at sa mga samo't saring problemang pinagdadaanan ng lahat, dito mo mabibigyang pansin ang kahalagahan ng pag-iipon. 


Maliit man o malaki ang naitatabi, ang importante ay may ipong mapagkukuhanan sa tuwing may hindi inaasahang pangyayari at hindi agad sa pangungutang ang takbo. 


Tiyak pawi lahat ng pagod at hirap ng isang magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa kung alam nila na may pinatutunguhan ang kanilang mga ipinapadalang pera sa ikagiginhawa ng pamilya. 



Katulad nalang ng isang binatilyong anak ng OFW, na imbes na waldasin ang perang pinapadala ng Ina sa kahit ano mang mga bagay o pagkaing makakapagpasaya sa kanya, ay naging libangan pa nito ang pag-iipon at pag-iimbak ng mga barya-barya at mga bills.  




Sa ibinahaging mga larawang kuha ni Jane Famous, makikita ang isang malaking drum na puno ng mga iniipong pera ni Gerdan Tolero.


Halos okupahin nito ang kanilang sala sa bumabahang perang papel. Hindi na halos sila magkamayaw sa tumambad at pagbibilang sa dami ng naiipong pera ni Gerdan. 


Hindi umano ito ang unang pagkakataon na nagbukas ang binata ng mga naitabi niyang pera sa mga drum.


"Nung unang ipon nya puro barya 2 tub..at ito nmn ulit nakaipon  nmn xa ng isang tub na tig 20 pesos,"


"Sana lahat ng kabataan ganito❤proud aq sau boy...congrats ate gemma napakabait ng anak mo...kkaiba xa sa iba👏👏sana tularan ka ng ibang kabataan"


Narito ang kabuon post ni Jane:




Labis akong napahanga sa anak ng kaibigan ko sa ginawa nya at nung unang ipon nya puro barya 2 tub..


At ito nmn ulit nakaipon  nmn xa ng isang tub na tig 20 pesos.....nagulat mama nya...walang kaalam alam na nagipon ang anak nya....nakakatuwang tingnan 


MappaSANA ALL ka nlng tlg lalo na kung OFW ka tapos ganito ung anak mo sa pinas...tapos bbuksan lng paguwe mo na sarap sa pakiramdam...


Sana lahat ng kabataan ganito❤ 


proud aq sau boy...congrats ate gemma napakabait ng anak mo...kkaiba xa sa iba👏👏sana tularan ka ng ibang kabataan Gerdan Tolero tuloy mo lng yan boy marami ang napahanga mo❤❤❤ #viral  #trending 

#KMJS 

#famousfounder











***

Source:  Jane Famouz

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!