Isusubo nalang sana pero dahil mas mahalaga ang kapakanan ng mga anak, ipinapaubaya karamihan ng mga magulang ang kanilang parteng pagkain o ulam upang magkasya at paghahatian ng mga anak.
Nakakawasak ng puso ang parehas na sitwasyon na ibinahagi ng isang anak tungkol sa napaka-selfless na ginawa ng kanyang Ama para sa kanilang magkakapatid.
Naantig ang mga netizens sa ibinahaging kwento ni Aldi Relqno, isang anak na palihim kinuhanan ang kanyang Ama na lagi niyang napapansing bumabangon dis oras ng gabi.
Kaya naisipan niyang sundan ang kanyang Ama kung ano ang ginagawa nito tuwing bumabangon sa alanganing oras. Doon niya nasaksihan ang tunay na dahilan ng Ama kung bakit hindi ito kumakain kasabay sila.
"Kaya pag kakain na kami sya lang wala, Yun pala sa gabi sya Kumakain. Dahil pinapaubaya nalang saamin ang ulam. Laging syang bumabangon tuwing ganitong oras hinahayaan ko pero nakaraang gabi sinundan ko sya na hindi alam."
Tanging toyo at mantika lamang ang inuulam ng kanyang Tatay, sinasahog sa kanin na at may sawsawang bagoong at sibuyas.
"Tumulo luha ko nung Nakita ko sya na Kumakain na Ang ulam ay BAGOONG AT SIBUYAS kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam para I post ko sa FB,"
Kahit anong hirap at gutom kayang tiisin ng mga magulang para sa mga anak.
Tiniis niya ang hirap at gutom para sa mga anak. Dati ng OFW ang kanilang Ama bilang mekaniko at ngayo'y malabo ng makakapagtrabaho ulit dahil sa iniinda nitong bali sa kamay at hirap itong kumilos sanhi nang siya'y madisgrasya na hanggang ngayo'y hindi parin naresolba.
"Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid sana po tulungan nyo ako," saad ni Aldi sa kanyang post.
Narito ang kabuoang post nito:
"Ang Tatay kong Palihim kung Kumain."
Ganito pala ginagawa ni papa pag tulog na kami, Kumakain sya ng hating gabi. Tuwing hapunan Hindi sya sumasabay saamin, laging tapos na o busog pa daw.
Kaya pag kakain na kami sya lang wala, Yun pala sa gabi sya Kumakain. Dahil pinapaubaya nalang saamin ang ulam, Laging syang bumabangon tuwing ganitong oras hinahayaan ko pero nakaraang gabi sinundan ko sya na hindi alam.
Tumulo luha ko nung Nakita ko sya na Kumakain na Ang ulam ay BAGOONG AT SIBUYAS kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam para I post ko sa FB.
Si papa Kasi nasagasahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kaso Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid sana po tulungan nyo ako na iparating Kay sir RAFFY TULFO Ang problema ng aking tatay sobrang naawa napo ako sa tatay ko.
ako man din ay Hindi na Makapag enrol s college dahil walang pera Hindi Makapag trabaho si papa.
Hindi na ako naka pag-enroll dahil sa aksidente na nangyari sa tatay ko. Isa po syang OFW Ngayon Malabo na sya makabalik dahil BALI ANG KANYANG KANANG KAMAY.
Maraming salamat po sana ay matulungan nyo po kami na makarating Kay sir RAFFY TULFO, Na ang hangad po namin ay hustisya, yun lang po.
Sa mga gusto po mag donate 09993412752 Aldie Relano Gcash po iyan ni papa ginawaan ko na po.
***
Source: Aldi Relqno
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!