Alat ng Dagat sa isang Beach Resort, Inireklamo ng isang Customer. Epic 'to! - The Daily Sentry


Alat ng Dagat sa isang Beach Resort, Inireklamo ng isang Customer. Epic 'to!



Photo credit to Google and Zakhie Garcia | Facebook

Trending at lubhang kinaaliwan ng mga netizens ang Facebook post ng isang event at travel tour coordinator, kung saan kanyang ibinahagi ang kakaibang review ng kanyang client.

Sa naturang post ng coordinator na si Zakhie Garcia, ipinakita nito ang screenshot ng kanilang pag-uusap ng client kung saan nagrereklamo ang huli dahil dimano sa maalat na tubig dagat sa resort na inupahan.



Ani client, maganda na raw sana ang resort na binook nila ngunit nakakadismaya raw dahil maalat ang tubig na kanilang pinagswimmingan.

"Mam Zakhie, Goodpm. Bakit naman ganun maalat yung dagat na pinagswimmingan namin? Nakakadismaya! Maganda sana e", reklamo niya.

Lubha namang nagulat si Garcia sa tinuran ng kanyang client kaya naman sinagot niya ito na maalat naman talaga ang mga dagat.

"Huh? Maalat naman po talaga ang dagat di ba? Meron po bang hindi?" aniya.

Ngunit talagang desidido sa kanyang reklamo ang client at sumagot pa na sayang raw ang ganda ng resort dahil hindi din naman sila makasisid sa dagat.

"Hindi naman lahat maalat, meron ngang matabang eh. Sayang yung ganda, hindi ren kami makapag sisid. Maalat talaga!", sabi ni client.

Upang matapos na marahil ang usapan ay nanghingi na lamang ng paumanhin ang coordinator na si Garcia at pabirong sinabi na sa susunod ay kanya ng ilalagay sa details ng mga inaalok na beach resort ang alat ng dagat.

Zakhie Garcia's post | Facebook



"Ganun po ba? Hayaan niyo ilalagay ko po sa Details ko if MATABANG or MAALAT yung dagat. Sensya po." sagot ni Garcia.

Tugon naman muli ni client na sana sa susunod ay ipaalam sa kanila dahil sobrang nakakadismaya raw talaga ang alat na para silang kumain ng asin.

"Ok lang sana pero next time inform po kami. NADISMAYA talaga ako sa ALAT!!!! Para akong kumain ng ASIN!", pagtatapos ni client.

Ang post na ito ni Garcia na may caption at laughing emojis na "Daming Problema sa pinas dumagdag pa to. Sige sa sususnod lalasahan ko muna", ay talaga namang umani ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens.

 Zakhie Garcia's post | Facebook

Ilan sa komento ay nagsabing sa swimming pool na lamang maligo si client para hindi maalat. Ang iba naman ay sinabing huwag puro reklamo at iappreciate na lamang ang likha ng Poong Maykapal.

Ngunit karamihan ng mga komento ay talaga namang nakakaaliw at sadyang sumasalamin sa pagiging masiyahin nating mga Pilipino.



SourceZakhie Garcia | Facebook