Alamin ang mahalagang benepisyo ng 'Lemongrass' o Tanglad sa ating kalusugan pati na rin ang iba pang gamit nito. - The Daily Sentry


Alamin ang mahalagang benepisyo ng 'Lemongrass' o Tanglad sa ating kalusugan pati na rin ang iba pang gamit nito.



Kaunting Kaalaman.

Kung umiinom ka lagi ng pinakuluang tanglad (lemongrass) ay malilinis po niyan ang ating atay (liver) at bato (kidney). Hahaba po ang buhay. Iihi ka nang iihi at bababa ang blood sugar. Malaking ginhawa!

Meron siyang orientin, chlorogenic acid, quercetin, at iba pa na nakakatulong bawasan ang cholesterol, blood pressure, blood sugar, createnine, uric acid, at iba pa.




Super galing din po iyan sa pag tanggal ng mga allergy sa katawan na makati lalo na mula sa mga nakain na hindi maganda sa katawan. Kung ang kati ay kurikong o galis ay samahan mo ng ibang herbs na makakatulong pa lalo para laging makinis ang balat at flawless. Ang galis ay maaring mula sa mga alagang hayop, kakilala o kasama na meron nito at nadapuan ka, o sa katamaran mo na maligo lagi at maglaba ng damit twalya kurtina kumot unan kulambo.

Tanglad public photos | Facebook

Tanglad public photos | Facebook

At dahil pinupuksa niya ang mikrobyo sa loob at labas ng katawan ay mainam iyan pangontra sa mga sakit sakit na nakakahawa. Iinumin mo iyan at ipampapaligo o punasan ang buong katawan lagi. Mabango pa.

Inaalis niya rin ang kabag o bloating dahil pinapagalaw niya at pinupuksa ang mga matagal nang basura at mikrobyo sa bituka.

Mag mumog ka niyan kung may bulok kang ngipin. Hindi kagaya ng bawang na mabaho ang hininga. Magiging mabango ang hininga sa tanglad at walang mikrobyo ang bibig.

Tanglad public photos | Facebook

Tanglad public photos | Facebook


Nababawasan niya rin po ang masamang epekto sa katawan ng radiation at chemotherapy. Dapat uminom nang uminom before and after radiation at chemotherapy. Tataas ang kakayahan mong mabuhay at hindi mamatay sa epekto ng radiation at chemotherapy kung ikaw ay laging umiinom ng tanglad. Pwedeng pwede yan sa mga nagpapa radiation at chemo para humaba ang buhay.

Ayaw nga po pala ng mga ipis at lamok ang tanglad. Kapag inisprayhan sila ay namamatay.

Tanglad public photos | Facebook

Tanglad public photos | Facebook


Kung marami kang tanglad ay pwedeng pwede rin na pamatay mikrobyo sa mga mababahong lugar o tambakan ng maruming tubig. Buhusan mo lang ng tanglad. Hindi pamumugaran ng lamok para iwas dengue.

Ayaw rin daw iyan ng mga ahas. Umaalis sila pag naka amoy ng mabangong tanglad. Kaya safe ka.

Sa isang buwan na 3x a day na pag inom ay kitang kita mo na ang pag galing. Patunayan mo iyan sa pamamagitan ng pag pa lab test. Mura lang naman ang lab test.