73 Anyos na Lola, Patuloy na Kumakayod sa Paglalako ng Ice Cream para sa kanyang Pamilya - The Daily Sentry


73 Anyos na Lola, Patuloy na Kumakayod sa Paglalako ng Ice Cream para sa kanyang Pamilya



Lola Angeles Gloria Merin | Bicol News

Ika nga nila, kalabaw lang ang tumatanda. Ito ay pinatunayan ni Lola Angeles Gloria Merin na patuloy sa pagkayod sa kabila ng edad niyang 73!

Ayon kay Lola Angeles na tubong San Jose Bulacan, siya na ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya, simula mastroke ang kanyang asawa. Kaya naman araw-araw ay lumilibot diumano si lola sa ibat-ibang barangay para maglako at magtinda ng ice cream.



Lola Angeles Gloria Merin | GMA News

Lola Angeles Gloria Merin | GMA News

Sa kabila ng banta ng pandemya, sikat ng araw, buhos ng ulan, pagod, at bigat ng kanyang dinadalang paninda, patuloy ang pagkayod ni lola para matustusan ang pang-araw-araw na kailangan ng kaniyang pamilya na tinamaan ng mga sakit.

Hirap na rin diumanong magtrabaho ang anak niya na kasama niya sa bahay dahil sa iniindang sakit, pati ang asawa nitong na-stroke rin.

Kaya naman kwento ni lola, mahirap at nakakapagod raw talaga ang kanyang hanap-buhay pero tinitiis niya ito dahil ayun lamang ang kanyang pinagkakakitaan. Minsan raw ay nadisgrasya na siya at nadulas kakatinda kaya hindi na niya maunat ang kaniyang isang kamay.



Lola Angeles Gloria Merin | GMA News

Lola Angeles Gloria Merin | GMA News

"Mahirap magtinda ng ice cream dahil bukod sa ikot ka nang ikot sa malayo, mabigat pa yung dala mo.", aniya.

Minsan raw ay sa mga tindahan lamang siya nagpapahinga at kumakain ng konting biskwit para may lakas raw siya sa paglalako. Kumakain na lamang daw siya ng kanin at ulam paguwi ng buhay.

Ayon kay Lola Angeles, ibinibili niya ng bigas at ulam ang kinikita araw-araw para sa kanyang pamilya.



Lola Angeles Gloria Merin | GMA News

Lola Angeles Gloria Merin | GMA News

Ngunit matapos ang maghapong pagtitinda, kulang pa rin daw ang kanyang kinikita lalo na pagmatumal at masama ang panahon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng hirap ng buhay ay hindi nawawalan ng pag-asa si lola, dahil ayon sa kanya ang kanyang araw-araw na sakripisyo ay para sa kanyang mga mahal sa buhay.

Nakilala si Lola Angeles, matapos mag-viral ang isang post kung saan maraming netizens ang napahanga at naantig sa kanyang lakas at kasipagan.




SourceGMA News