“Tumanda akong mag isa at malungkot”
Ito ang mga salitang sinabi ng isang 66-anyos na taxi driver matapos siyang tanungin ng kanyang pasahero kung masaya ba ito sa kanyang buhay.
Photo credit: Jasmin Lorica
Sa Facebook post ni Jasmin Lorica, ibinahagi nito ang kwentuhan nila ng 66-anyos na taxi driver na talaga namang dumurog sa puso ng mga netizens.
Kwento ni Jasmin, dahil sa kahabaan ng traffic ay naisipan niyang makipag kwentuhan sa taxi driver.
Sinimulan ni Jasmin ang pagtatanong sa taas ng presyo ng gasolina, kung nakukuha ba nito ang boundary at kung ilang taon na ito.
Photo credit: Jasmin Lorica
Dito na nagsimulang ikwento ng 66-anyos ang nakakalungkot na kwento ng kanyang buhay.
Sa ngayon ay umabot na sa 24k reactions at 26k shares ang post habang sinusulat namin ang kwentong ito.
Basahin ang buong post sa ibaba ni Jasmin:
“Tumanda akong mag isa at malungkot”
(Hindi ko na nakuha yung pangalan ni Lolo, pero dami kong natutunan.)
Sa kahabaan ng traffic naisipan ko makipagkwentuan sa driver ng taxi na nasakyan ko.
Me: Kamusta po kayo? Sobrang taas po ng gasolina ano?
Lolo: Ehhh. ganon. dito sa edsa pumapalo na ng halos sisenta kaya doon pa ako nagpapa gasolina sa pasay mas mura doon
Me: Nakukuha niyo naman po yung pang boundary? Ilang taon na po kayo?
Lolo: Minsan may sumosobra 100-200pesos. 66 na ako.
Me: Pwede po ba magtanong? Sa edad niyo po ano po pinaka pinagsisihan niyo sa buhay?
Lolo: Siguro yung hindi ako nagka anak. Kahit anak lang sana masaya na ako. Niloko kasi ako ng kinasama ko dati. Sumubok ulit ako magmahal ulit pero hindi rin kami nagkasundo.
Me: (broken heart emoticon)
Lolo: Pinili ko na lang maging mabuting anak, inalagaan ko nanay ko hanggang sa nung nawala na siya ako na lang mag isa. Hindi naman sa pag aano pero Atenista ako noon. May kaya ang pamilya namin. pero hindi kami magkasundo ng kapatid ko kaya pinili ko na mabuhay mag isa. dito na rin ako sa taxi natutulog tapos byahe ulit araw2x ganon lang ang buhay ko.
Me: Pero masaya naman po kayo?
Lolo: Tumanda akong malungkot, mag isa.
Moral Lesson:
*Find your happiness.
*Sana mahanap natin yung mga bagay na makakapagpasaya satin bago pa tayo maging paru-paro.
*Ang kaibahan ng oras sa pera, yung pera nakikita natin kung konti or paubos na, yung oras natin dito sa mundo hindi.
*Hindi palaging masaya ang buhay pero may choice ka.
*Iwasan natin manloko, makasakit. Hindi madali makalimot at magpatawad agad para sa iba.
*Hindi kumplikado ang love, tao lang nagpapakumplikado ng sitwasyon.
*Bawi tayo habang may oras pa."
***
Source: Jasmin Lorica | Facebook