32-anyos na bulag mula pagkasilang, nakatanggap ng ayuda matapos manawagan ng tulong ang kaniyang tiyahin. - The Daily Sentry


32-anyos na bulag mula pagkasilang, nakatanggap ng ayuda matapos manawagan ng tulong ang kaniyang tiyahin.



Napakahirap para sa isang indibidwal ang mamuhay sa dilim ng pagiging bulag lalo na kung ito'y mag isa lang at wala ng mga magulang upang sa kanya'y gumabay.

Kaya't swerte pa ring maituturing ang babaeng ito na may kapansanan sa mata dahil sa pagkakaroon ng tiyahin na nakahandang umalalay sa kaniya at tunay siyang minamahal.




Sa isang serbisyo publiko na isinagawa ng programang 103.1 Brigada News FM - Palawan sa Facebook. Itinampok nila ang kaawa-awang bulag na si Cherry Basa, 32 taong gulang.

Unang itinampok ng programa ang kalagayan ni Cherry noong Setyembre 7 nang manawagan ang tiyahin nito na si Ofelia Bandojo mula Purok Manggahan Barangay Tanatanaon Dumaran, Palawan.

Ayon sa kaniya, simula ng isinilang si Cherry ay hindi na nito nagawa pang masilayan ang ganda ng kanilang lugar dahil sa naturang kondisyon nito.

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


Lalo pa umanong sinubok ng buhay ang kawawang bulag, ng maulila ito sa magulang matapos bawian ng buhay ang kaniyang ina, pagkatapos nitong manganak sa isa pa niyang kapatid.

Mula noong mawalan ng magulang si Cherry ay ang mga tiyuhin at tiyahin niya na ang nag-alaga sa kanya sa bayan ng Dumaran.

Ngunit dahil sa kani-kaniyang prayoridad ay hirap din ang mga ito sa pagtustos sa mga pangunahing pangangailangan ni Cherry, lalo na nitong panahon ng pandemya.

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


Makalipas ang halos dalawang linggo mula ng manawagan ang kaniyang tiyahin na si Ofelia Bandojo ay matagumpay na naipaabot ng nasabing programa ang mga tulong na natanggap ng Brigada News para kay Cherry.

Mahirap man matunton at maputik man ang daraanan patungo sa kinaroroonan ng 32-anyos na bulag. Hindi naging hadlang ito upang makarating ang mga nakalaang ayuda para sa kaniya.

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


Nabigyan ang pamilya ng bigas, pagkain, gatas mga damit at iba pa dahil sa mga nalikom na tulong mula sa iba’t ibang inidibidwal. Nakatanggap din ng cash ang pamilya na galing sa mga naghulog sa Brigada G-Cash account.

Lubos na nagpapasalamat si Cherry sampu ng kaniyang mga mahal sa buhay sa mga mabubuting puso nagkusang tumulong sa kaniya at naging instrumento para siya'y mabiyayaan ng mga pangangailangan.

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


Pinasalamatan din ng programa ang mga sumusuporta sa kanila at sa mga ginagawang pagtulong nito sa kanilang magandang adhikain.

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


Samantala, wala namang nabanggit ang Brigada News ukol sa kinarorooan o kalagayan ng ama ni Cherry Bandojo.