3-magkakapatid na maagang naulila, nagpursige at lahat ngayo'y namayagpag ang karera sa Canada - The Daily Sentry


3-magkakapatid na maagang naulila, nagpursige at lahat ngayo'y namayagpag ang karera sa Canada




Walang ng ibang magdadamayan sa lahat ng oras at pagakakataon kundi ang buong pamilya at magkakapatid. Sila ang tunay na masasandalan sa oras ng pagdadalamhati at tutulong sayo sa ano mang problemang kinakaharap ng bawat myembro ng pamilya. 


Hindi mapantayan ang magkahalong emosyon sa ibinahaging kwento ng tatlong magkakapatid na maagang naulila sa kanilang mga magulang. 


Sila ang magkakapatid na Michael, Angelo at Anthony Villadarez, tubong Balatan Camarines Sur, na pawang nasa 8, 10, at 11-taong gulang palang nang maulila na sa mga magulang. 



"December 23, bago mag Christmas yun yong [nawala] ang Tatay namin. After 16days namatay naman yung Nanay namin," 






Tanging si Lola Segundina nalang nila ang kumupkop sa kanila. Inalagaan at pinalaki ang magkakapatid na kalaunan din ay iniwan rin sila.  


"Yung Lola po namin ang kumuha sa amin. Kasi sabi ng Lola namin kahit anong mangyari hindi kami pwedeng magkakahiwa-hiwalay,"


Napaiyak nalang ang magkakapatid ng balikan nila ang naranasan nila noon. Lubos nilang ipagpapasalamat ang lahat sa Lola nila na siyang humalili at pumuno sa pagmamahal ng mga magulang na maagang nawalay sa kanila. 




"Sabi namin, pano nalang kaming tatlo. Ibang-iba kasi nung namatay yung mga magulang namin, nakita namin na mahal na mahal pala kami ng Lola namin. Hindi niya hinayaan na magkakahiwalay kaming tatlo," 


Ang kahirapan at maaagang pagkakaulila ay naging lakas ng magkakatapatid lalo na ng kanilang panganay na naglakas loob makipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanyang mga nakakabatang kapatid.


Sa edad na 18, nag-abroad si Michael papuntang Toronto Canada sa tulong ng kamag-anak. Dala-dala ang mga pangarap ng mga naiwang mga kapatid. Inako niya rin ang lahat ng responsibilidad at tumayo bilang magulang ng dalawa.  


"Iniisip ko na, na pag ako nandoon na sa Canada, ito na yung opportunity ko na kahit anong trabaho papasukin ko basta makuha ko lang ang mga kapatid ko,"


Aminado mang nangungulila rin siya sa mga naiwang kapatid at sa kanyang Lola,  nagpursige si Michael upang kanya ng tuluyang makuha ang mga kapatid kasama ng kanilang Lola Segundina.


"Minsan may time talaga na, titingin ako, kailan ko kaya makakasama ang mga kapatid ko saka si Lola. Silang tatlo na ini-sponsoran ko na makapunta dito,"




"Pero yung Lola ko, namatay nalang na nag-expect na makapunta dito,"


Matapos lamang ng dalawang taon sa pamamalagi sa Canada, sinundo ni Michael ang mga kapatid sa Pinas at isinama niya na pabalik ng abroad. 


"Sobrang excited ko talaga na makasama ko na sila," saad ni Michael. 


Hindi naging madali ang buhay nila sa Canada, ngunit dahil sa kanilang kakaibang determinasyon sa buhay, pinagsasabay nila ang pagtatrabaho bilang mga Kitchen helper at cleaner sa kanilang pag-aaral sa mga tinatahak nilang propesyon. 


Doble kayod sa pangarap na maging Nurse si Angelo. Isang Team Lead naman sa recreation Center si Anthony. At namamayagpag din sa karera ang panganay nilang si Michael bilang Assistant Produce Manager sa isang Supermarket.




Bukod pa sa kanilang maayos na mga trabaho, nakuha na ng magkakapatid ang kanilang Canadian Citizenship at sa kanilang pagtutulung-tulungan, nakapagdundar narin ang tatlo ng isang maganda at malaking bahay at may kanya-kanyang ng mga sasakyan.  


"Ang ganda na ng buhay namin tapos wala yung magulang namin, may  purpose pala ang lahat. Kasi minsan noon sa Bicol, magkakasama kami, nagnanakaw kami ng barya sa may tricycle kasi gutom kami at wala kaming pera.  


"We're so blessed despite sa mga nangyari sa buhay samin,"


Nagbigay rin sila ng payo at paalala para sa mga kabataan at lahat ng mga anak na pahalagahan at mahalin nila ang kanilang mga magulang habang nakakasama pa nila.


"Sa mga kabataan ngayon, pahalagahan nila ang mga magulang nila, habang nandyan pa sila kasi hindi natin alam kung kailan sila kukunin sa mundo,"


***

Source: OMNI Filipino

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!