13-anyos na estudyante, tinulungan matapos malaman ang hirap na dinaranas sa pag o-"online class" - The Daily Sentry


13-anyos na estudyante, tinulungan matapos malaman ang hirap na dinaranas sa pag o-"online class"



Naging emosyonal si Christine Jane Lacao Santos, 13 taong gulang at ang kanyang ina matapos mabigyan ng libreng tablet para magamit niya sa paparating na pasukan.

Ibinahagi ng 103.1 Brigada News FM - Palawan ang bidyo kung saan nakapanayam nila ang batang si Christine at saka inabot ang sorpresang regalo dito.




Ayon sa bata, nahihirapan at naiiyak na lang siya sa tuwing binabanggit ng kanilang guro ang pangalan niya kapag nahuhuli ito sa pagpasa ng kanilang mga gawain. Kung hindi pa aniya siya makikiusap na maki-'online' sa kaniyang tiyahin ay hindi niya malalaman ang mga  'update' sa kanilang seksyon.

Naiiyak na lang daw siya dahil lagi raw siyang nasasabihan ng titser na "Christine Jade L. Santos! Due date na! Wala ka pa ring napapasa!"

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


Dahil sa hirap din sa buhay, hindi na rin nagagawang pilitin pa ni Christine ang kaniyang mga magulang upang bumili ng selpon para sa kanyang pag-aaral.

Sa ibinibigay na 500 piso ng kanilang ama na pilit na pinagkakasya ng pamilya nila sa isang buwan, alam ni Christine Jane na malabong makabili sila ng 'gadget' sa kanilang kalagayan.

Matagal na aniya itong nagsasabi sa kaniyang ama na "Pa, pwede kahit paunti-unti maka ano naman tayo ng cellphone kasi kailangan ko 'yan sa pag-aaral ko?"

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


Pero ang lagi lang daw sagot nito ay "walang pera, walang trabaho" kaya hindi na niya ito pinipilit pa.

Kaya madalas rin na wala silang makain dahil hindi rin buwanan ang binibigay na limang daang piso ng kaniyang tatay. Mas madalas daw ay wala itong naibibigay sa kanila.

Nang sabihin kay Christine na may handog na 'tablet' para sa kaniya ang Palaweños Savers Club at ang Brigada News FM ay lubos itong natuwa at kitang kita sa mga ngiti ng kawawang estudyante ang kagalakan mula sa natanggap.

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook


103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook



Habang umiiyak ang mag-ina ay labis labis ang pasasalamat nito dahil sa wakas ay may magagamit na ang kaniyang anak at talagang hirap na hirap silang gumawa ng paraan para makapagpatuloy sa 'online class' ang estudyanteng si Christine.

103.1 Brigada News FM - Palawan | Facebook

Marami ang naantig mula ng mapanuod ang istoryang ito kaya naman hindi na rin napigilan ng mga netizen ang magbigay ng pahayag para sa karanasan ng bata at sa tumulong dito.

"Ang bigat sa puso Yung ganito, andaming batang gustong gustong mag aral pero wala talaga E SALAMAT SA MGA TAONG HANDANG TUMULONG"

"laban lang po wag susuko..lahat my paraan,, my mga taong gagamitin si God pra makaya ntin mga pag subok .. pray always"

"Naiyak ako mabait na bata at masipag maunawain sa buhay mag aral kang mabuti para matupad mo lahat ng pangarap mo"

Maaring mapanuod ang kabuuang panayam sa link sa ibaba.