Marami ang naguguluhan sa napakakumplikadong mundo ng crypto. Ngunit tila isang literal na laro lamang ito para sa isang bata mula London, na kumikita ng tumataginting na $400,000 o halos 20,000,000 sa pamamagitan lamang ng pagbebenta ng mga “Non Fungible Tokens” o NFTs.
Alamin kung paano nagawa ng menor-de-edad ang kumita ng milyon-milyon sa loob lamang ng maikling panahon.
Limang taong gulang pa lamang ay nagsimula ng matuto si Benyamin Ahmed sa larangan ng programming. Nagka-interes ito matapos panoorin lang ang kanyang ama na si Imran, na nagtatrabaho bilang isang web developer.
“I first learned about NFTs earlier this year. I got fascinated with NFTs because you can easily transfer the ownership of an NFT by the blockchain.” saad niya
Maliban sa kanyang pag-aaral, walang sinasayang sa kanyang oras si Ben kahit pa sa kanyang murang edad ay iginugugol niya na ang panahon sa swimming, taekwondo at pag-bibihasa sa coding.
Sa kasalukuyan, imbes na magbukas ng kanyang sariling bank account, crypto wallet ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.
“I plan to keep all my Ether and not convert to fiat money because maybe in the future people won’t need a bank account, just have Ether and a digital wallet,”
“When people buy Weird Whales, they’re investing in you and your future,”
Nagbigay payo rin si Ben para sa lahat ng kabataan katulad niya na nangangarap at nagnanais tahakin ang kanyang yapak na huwag pilitin ang sarili na katulad niya inaral pa ang coding, gawin kung ano nagpapasaya at kung ano ang abot ng kakayanan.
“My advice to other children that maybe want to get into this space is don't force yourself to do coding, maybe because you get peer pressured – just as if you like cooking, do cooking, if you like dancing, do dances, just do it to the best of your ability.”
***
Source: World News
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!