1 buwang gulang na sanggol, nirespondehan matapos kumalat ang litrato nitong mag isang natutulog sa imburnal sa ilalim ng tulay. - The Daily Sentry


1 buwang gulang na sanggol, nirespondehan matapos kumalat ang litrato nitong mag isang natutulog sa imburnal sa ilalim ng tulay.



Isang nag aalalang netizen ang madaling nanghingi ng tulong sa social media upang masagip ang natagpuan niyang sanggol sa ilalim ng tulay.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Sonfferje Nazareth o Jefferson Nazareno, nadaan niya ang sanggol habang naglalakad upang magpa xerox ng mga dokumento para sa isang surgery.




Walang kasama ang bata at kitang mag isang natutulog sa imburnal lulan ng kapirasong balabal at karton sa ilalim ng tulay katabi ng Calamba Doctors Hospital.

Marami ang nangamba sa maaaring mangyari sa sanggol dahil kung biglang bumuhos ang ulan ay baka tuluyang mapuno ng tubig ang ilalim ng tulay.

Sonfferje Nazareth | Facebook

Sonfferje Nazareth | Facebook


Dahil dito, mabilis na kumalat ang panawagan ni Jefferson sa social media at kaagad na rumesponde sa tugon nito ang POSO Calamba kasama ang BPSO Parian at PNP.

Bukod sa sanggol, siyam na tao pa umano kasama ang isa pang bata ang naninirahan dito na tuluyang na-rescue ng mga rumespondeng grupo.

Rodriguez jeffrey | Facebook

Rodriguez jeffrey | Facebook

Rodriguez jeffrey | Facebook


Naiulat rin na natagpuan ng grupo ang ina ng bata sa di kalayuan at iniwan daw nito ang kaniyang anak upang magbenta ng sampaguita sa lugar.

Tagumpay din nitong naipasa ang pangangalaga ng sanggol sa DSWD kasama ang ina upang maalagaan at mapatignan ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Binigyan naman ng pagkain at peysmask ang iba pang mga nasagip sa operasyon.

Rodriguez jeffrey | Facebook

Rodriguez jeffrey | Facebook


Tiniyak naman ng lokal na awtoridad na sasarahan na ng mga ito ang tulay at haharangan ang daanan patungo rito, upang hindi na ito istambayan ng mga taong gustong mamalagi sa lugar.

Sa isang simpleng panawagan na ginawa ni Sonfferje Nazareth ay malaki ang naging epekto nito upang matulungan ang LGU ng Parian Calamba city na maipatupad ang kaayusan sa lugar. 

Rodriguez jeffrey | Facebook