Tropang hindi isinama sa 'bonding', nag-text at nagsumbong sa barangay! - The Daily Sentry


Tropang hindi isinama sa 'bonding', nag-text at nagsumbong sa barangay!



Sa isang ulat mula sa Facebook page na 'Bagong Alabang', isang text umano ang natanggap nila mula sa BSDO hotline number ng Barangay Bagong Alabang ukol sa mga kabataang nagiinuman sa looban ng isa sa kanilang lugar.

Dahil dito, agad na rumesponde ang Bagong Alabang Task Force at inabutan ang 7 magkaka-tropang mga kabataan habang nagiinuman sa looban ng 7B sa Ilaya, Alabang.




Sadyang matitigas ang ulo ng ilan sa mga tao rito kahit paulit-ulit ang paalala sa kanilang mga kabarangay na mahigpit na ipinatutupad rito ang mga Batas Panglungsod sa 'Curfew' at 'Liquor Ban'.

Ang mga ito ay may karampatang parusa gaya ng multa na hindi bababa sa 2,500 piso o di kaya'y kaso na maaaring kaharapin ng mga ito sa Korte.

Bagong Alabang | Facebook

Bagong Alabang | Facebook


Para naman sa mga kabataan sa lugar, ang babala ng mga namumuno dito ay maaring mawala ang kanilang mga 'scholarship' mula sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa kung mahuhuling lumalabag ang mga kabataang ito sa ordinansa ng lugar ngayong panahon ng ECQ.

Inaasahan ang lahat na sumunod at manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay para maisiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa ngayong panahon ng pandemya.






Samantala, hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa pag-ako sa text ng sumbong na natanggap ng barangay.




Ngunit hindi na mahalaga kung sino man ang nagbigay alam sa kaganapang ito. Ang importante ay ang pagsunod sa kautusan dahil para din ito sa kaligtasan ng lahat.