Photos courtesy of Facebook @Sar Calva |
Nakakatuwang
makita at balikan ang ating nakaraan lalo na kung ito ay ating napag-tagumpayan.
Gaano man kahirap ang ating pinagdaanan, madami man luhang umagos sa ating mga
mata, dugo at pawis na nawala, malampasan lamang ang pagsubok sa buhay.
Masasabi
nating, worth it ang lahat ng ating mga pagod. Lalo na kung ito ay para sa
kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay. *
Ibinahagi
ng isang netizen sa isang Facebook group na Home Buddies, ang kwento ng
kanilang pamilya at kung paano nila napag tagumpayan ang kahirapan sa buhay.
Ayon sa
netizen na si Sar Calva, nais nyang magbigay ng inspirasyon sa ating mga
kababayan na dumadanas din ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay.
Ayon sa
kwento ni Sar, siyam silang magkakapatid, at mula sa isang mahirap na pamilya
lamang.
Ngunit
sa kabila ng isang kahig, isang tuka na pamumuhay, pinapahalagahan ng kanilang
mga magulang ang kahalagahan ng eduksayon nilang magkakapatid. Kaya naman todo
kayod sa pagta-trabaho ang kanilang mga magulang.
Yung
kahit, kulang ang kanilang kita mula sa kanilang mga paghahanap buhay, na kahit
hindi ito sapat para sa kanilang pagkain, mas importante pa din ang mapag-aral
silang siyam na magkakapatid. *
Photos courtesy of Facebook @Sar Calva |
Lumaki
sila sa isang barong-barong na bahay, hindi naging kumportable ang kanilang pamumuhay
habang sila ay lumalaki.
Nariyan
na yung naranasan nilang magpalipat-lipat ng tirahan, nakitira sila sa ibang
bahay at palayasin, naranasan din nilang mamuhay sa bundok, walang kuryente at
malayo sa kabihasnan.
Hanggang
sa nagkaroon na sila ng maliit na bahay na naipundar ng kanilang mga magulang,
ngunit ito ay barung-barong lamang.
Pero
kahit na maliit ang bahay na ito, dito sila nagsimulang mangarap, silang siyam na
magkakapatid, ay may kani-kaniyang pangarap na balang araw ay magkakaroon din
sila ng sarili nilang bahay at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga
magulang.
Nagsumikap
silang mag-aral hanggang sa makapagtapos sila at nagkaroon ng kani-kaniyang
trabaho at mayroon na rin silang mga sariling pamilya.
Ngunit
hindi nila kinalimutan ang kanilang pangako para sa kanilang mga magulang,
bagaman wala na sila sa kailang piling, pinagawa nila ang kanilang ancestral
house, kung saan ay tulong-tulong silang magkakapatid sa pagpapa-ayos dito. *
Photos courtesy of Facebook @Sar Calva |
Bagaman wala na ang kanialng mga magulang, sigurado naman silang masaya ang mga ito dahil natupad ang kanialng mga pangarap at sobrang proud sa kanilang mga magkakapatid.
Narito ang kabuuan ng post ni Sar Calva sa Facebook group page na Home Buddies:
“Hello mga ka HB!
We grew
up without a comfortable house. Na experience namin na nakikitira sa ibang
bahay at pinapaalis, na experience namin na tumira sa bundok ,walang kuryente
malayo sa mga tao..nagkaroon kami ng maliit na bahay pero it looks like
temporary hindi sya tapos. *
Photos courtesy of Facebook @Sar Calva |
Dahil sa
sitwasyon namin, lahat kami nangarap na magkaroon ng sariling bahay someday, nangarap
na mabigyan ng magandang bahay ang parents namin.
Fast
forward lahat kmi nakapagtapos ng pag aaral, nagkaroon ng trabaho at nagkaroon
din ng mga sariling pamilya..May mga sariling bahay na rin kmi pero ang e - po
post ko dito hindi un mga sariling bahay namin kundi ang ANCESTRAL HOUSE namin
na ginastusan ng Isang Kapatid namin (thank you Andj Lina ). Sad nga lang
dahil nasa heaven na ang parents namin. Pero kahit wala na sila alam namin they
are happy kasi pangarap nila ito. Sa panganay naming, salamat at kahit hindi
sya architect pero sya ang nag paplano sa design sa bahay in collaboration sa
mga ideas naming magkapatid. Salamat sa ibang mga kapatid na bumili ng mga
gamit sa bahay, Salamat sa parents namin na kahit wala na sila pero we can
still feel their guidance at higit sa lahat Salamat kay Lord God for All the
blessings, guidance and protection.
Lahat tayo may karapatang mangarap kahit
mahirap tayo, all our dreams are valid. “
Photos courtesy of Facebook @Sar Calva |