Lost Juan: Sandy Jones Pilarca |
Mainit na kontrobersiya ang kinasasangkutan ngayon ni Nuseir Yassin na mas kilala sa online channel nito na Nas Daily tungkol sa paglabag at pagamit umano nito kay Apo Whang-Od at ng kanyang tribo dahil wala daw silang pinirmahang kontrata para sa Nas Academy.
Kaya kaliwa’t kanan din ngayon ang mga naging pahayag ng mga ibat-ibang mga personalidad upang magbigay komento sa totoong ugali base sa naging karanasan nila sa banyagang vlogger.
“Isa ako sa mga tao na kilalang kilala ang mga foreign creators na ginagamit lang talaga ang Pilipinas para mag gain ng followers. At hindi ko nakitaan si Nas Daily ng ganong factor! Before yon! Pero ngayon iba na sa totoo lang.” saad niya sa kanyang post.
Larawan mula kay Lost Juan |
“But everything has changed hanggang sa sumikat na sya sa buong mundo. Nagbago yung taong simple na ngayon hindi ko na kilala kung ano ba talaga ang pakay. “ dagdag ni Pilarca.
Ayon pa sa kanya, nagkakakilala at naging malapit na magkaibigan at magkatrabaho sila ni Nas Daily noong unang punta pa ng banyagang vlogger dito sa bansa taong 2017, upang maitampok ang bansa sa mga video content nito.
Malaki na umano ang pinagbago ni Nas Daily mulang noong ito’y nagsisimula pa lamang at ngayo’y sumikat at kilalang vlogger na sa buong mundo.
“Hindi ko sinasabing ginamit lang ako pero parang ganun na nga. But as I said ako naman nagkusa tumulong, yun nga lang naabuso at napag-iwanan sa ere nung ako na ang nangailangan ng tulong.”
Larawan mula kay Lost Juan |
Nagsimula ang isyu ito matapos kumalat ang Facebook post ng apo ni Whang-Od na si Gracia Palicas na nagsasabing wala daw pinirmahang kontrata ang kanyang Lola para doon sa Nas Academy.
Humingi din ito ng tulong para matigil ang pang-e-exploit sa legacy ni Apo Whang-Od at ng Butbot Tribe dahil may mga tao raw na gustong mag-take advantage dito.
Narito ang kanyang buong salaysay:
Hi everyjuan, I have things that needs to clarify.
First of all, makaPilipino ako at ayaw kong maabuso ang kapwa ko Pilipino.
Isa ako sa mga tao na kilalang kilala ang mga foreign creators na ginagamit lang talaga ang Pilipinas para mag gain ng followers. At hindi ko nakitaan si Nas Daily ng ganong factor! Before yon! Pero ngayon iba na sa totoo lang.
Kahit ibang creators sa Nas Academy, napapatanong ako kung bakit laging nafefeture ang PH sa mga contents nila. Parang iba na ata to.
Nas Daily and I were close friends since 2017, Kilalang-kilala ko sya before but I think everything has changed ng sumikat na sya.
Hindi naman talaga dapat ako magpopost about the recent issue about Nas Daily, but I need to this para sabihin ko sa inyo na kakampi nyo ako.
Exaggerated ang mga nasa news pero wala kami nadatnan on what we’re expecting na makita, puro seedling lang at maliliit na cacao.
Pero hanggang dun lang un, yung other issue about whang-od hindi ko rin nagustuhan. TBH
Wayback 2017 when I first met Nas Daily, he was not so popular that time (I guess more than 300k lang followers nya when he came here sa PH.
It was in his first meet up nung magkakilala kami, he ask people na kung sino ang pwede tumulong sa kanya cos he’s planning to feature and make a story for smokey mountain.
I raised my hand cos I want to help (kase nga mejo fan na fan ako that time)
Maraming nangyare and maraming time and effort ang binigay ko para tulungan sya even may pasok pa ako during my college days.
We became close friends and everytime na bumabalik sya sa Pilipinas lagi nya ako naaalala, (is that because we’re close friends of need nya help!) Di ko sure! Lol
Marami rin ako naging sacrifices, I even decided to paint my whole apartment with his mural and many more just to welcome him back in our country.
Dumating pa sa point na napalayas ako sa tinitirhan ko kase most of videos na ginagawa namin kapag need ng maraming tao eh ginaganap s aplace ko because malaki ung parking samen sa Makati.
But everything of my effort hindi ako nagpabayad kahit piso since I treated his as my close friend.
Minsan naiisabit lang ako sa mga trips nya like bohol, pampanga, tagaytay, bicol. And no money involved.
But everything has changed hanggang sa sumikat na sya sa buong mundo.
Nagbago yung taong simple na ngayon hindi ko na kilala kung ano ba talaga ang pakay.
Bago pa man magkaroon ng Lost Juan, nakilala ko na si Nas at sya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Lost Juan ngayon. Hindi nya ako tinulungan but I learned from him kase ako mismo ang nakakakita sa mga ginagawa nya.
I am thankful for that.
Pero unti unti na akong na disappoint sa kanya kapag humihingi ako ng tulong or support nung nagsisimula ako pero never nya ko tinulungan.
At maraming pang viral videos na sununod.
All in all malaki na ang pinagbago nya, hindi ko na sya kilala as a friend na nakilala ko before.
Hindi ko sinasabing ginamit lang ako pero parang ganun na nga. But as I said ako naman nagkusa tumulong, yun nga lang naabuso at napag-iwanan sa ere nung ako na ang nangailangan ng tulong.
With his recent issue about whang-od, when he first uploaded his video about whang-od medyo di ko na talaga nagustuhan when he said “Jungles of the Philippines” until this issue came.
***
Source: Lost Juan
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!