Pinoy priest na isa ring Licensed Fitness Instructor, pinagkaguluhan ng netizens - The Daily Sentry


Pinoy priest na isa ring Licensed Fitness Instructor, pinagkaguluhan ng netizens





Pari at simbahan ang nagiging sandigan ng mga kristyano para sa kanilang taimtim na panalangin, at para na rin ipahayag ang kanilang wagas na pananampalataya. Ang ibang nagsisimba, inuugali pa ang pagmamano sa pari pagkatapos ng misa bilang pasasalamat. 

Dulot ng kasalukuyang sitwasyon, marami sa atin ang mas tumibay pa ang pananampalataya sa Dyos. Ngunit may iba rin na tila tumamlay sa aspetong ito dahil sa posibleng kawalan ng pag-asa na kanilang nararamdaman. 

Gayunpaman, sa panahon ngayon na kahit mabigat ang nararanasan ng ilan, may mga pangyayari pa ring nagbibigay tuwa at aliw sa karamihan tulad na lang ng isang pari na ito. 

Meet Father Ferdinand 'Ferdi' Santos, ang Filipino priest na pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizen. 

Halos lahat naging banal at gustong magkumpisal sa paring ito matapos kumalat ang pictures nya sa social media at umani ng paghanga mula sa netizens. 

Instant celebrity ang naturang pari kasunod ng pagpost ng isang sikat na pari na si Fr. Ranhilio Aquino na syang nagpasalamat at nagpahayag ng kanyang paghanga kay Fr. Ferdi. 

Ayon sa post ni Fr. Aquino, na-amaze sya dahil ang paring nabanggit ay isa ring licensed fitness instructor. Pero mas lalo umano syang humahanga dito dahil nagawang i-give up ng batang pari ang kanyang 'prestigious position of Rector of St.  John Vianney Seminary' sa Florida para maglingkod sa kanyang mga pinoy na kababayan dito sa Pilipinas. 

Dahil sa angking charm ng nasabing pari, hindi nakapagpigil ang mga netizen kaya naman hindi pinalagpas ng mga ito ang kakisigan ng pari. Kung kaya tampulan ngayon ng biruan ang mga larawan ni Fr. Ferdi na agaw-eksena online. 

Narito ang mga larawan:







Ito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Forgive me Father for I have sinned .. because of falling in love with you. Char!!"

“Araw arawin ko na mangumpisal pag si father Ferdinand ang bantay sorry father na amazed lng Ako so gwapo kc”"

“Said na said na po ang ligtas points ko”

"Bring me to heaven, Father."

May ilan namang umalma dito:

"I am very saddened sa comment section ng isang post about dyan kay father. Hindi talaga marunong magbigay respeto yung iba."

"I think di rin dapat sinasabi sa kanila na gwapo sila... at saka sa mga comments naman konting respeto naman kay Father."

"Pls pray for our good-looking priests for they will be subjected to callous and disrectful remarks and lots of temptations. They will be able to attract many people hopefully to bring all of them closer to the Lord. Thank you, Fr. Ferdie for choosing to serve the Biggest Boss in the universe. God bless you more!"

Narito ang buong Facebook post ni Fr. Aquino:

"This is Fr-Ferdinand Santos. I am posting this because I am in awe of him. We met while he was student at the Catholic University of Louvain and I was a post-doctoral research fellow there.  He and I were in the classes of Prof. Jan van der Veken on Process Metaphysics.  Aside from holding a PhD in philosophy,  he is a licensed fitness instructor! Amazing.  But even more amazing is that he gave up the prestigious position of Rector of St.  John Vianney Seminary in Florida that has both philosophy and faculty theologies to return to the Phiippines to work in depressed parishes.  Laus Deo!