Pinay, viral matapos ipakita ang mahigit 200 na medalyang natanggap mula sa eskwela. - The Daily Sentry


Pinay, viral matapos ipakita ang mahigit 200 na medalyang natanggap mula sa eskwela.



Marami ang humanga ng ibahagi ni April Christelle T. De Leon sa kaniyang Facebook account ang kanyang koleksyon na mga medalya mula sa iba't ibang aktibidad sa kaniyang paaralan sa Pangasinan National High School (PNHS)

Sa dami nito, umabot na ang bilang ng kaniyang mga medalya sa higit dalawang daang piraso.




Ang pinay na si April na tubong Lingayen, Pangasinan ang siyang kinikilalang pinakamagaling at matalino sa kanilang batch.

Mula Grade 1 hanggang Grade 10 ay ipinamalas nito ang angking husay sa iba't ibang larangan.

Gaya ng inaasahan, si April ay nagtapos ng grade 6 bilang valedictorian at ang natatanging Junior High School na nakakuha ng kabuuang pangkalahatang marka na higit 98%.

April Christelle De Leon | Facebook

April Christelle De Leon | Facebook


Bukod sa kanilang klase, humakot din siya ng mga medalya mula sa iba't ibang paligsahan at dahil sa angking galing ay regular siyang naging pambato ng kanilang eskwelahan pagdating sa mga kompetisyon.

"I was able to represent my schools - Lingayen | Central School and Pangasinan National in national finals of different contests for nine times"

At ang lubos pang nakakahanga ay ang bukod sa husay ni April pagdating sa tagisan ng talino ay wagi din siya maging sa mga beauty competitions.


April Christelle De Leon | Facebook

April Christelle De Leon | Facebook

Ilan sa kaniyang mga napanalunan ay ang pagiging Lakambini ng Wika, Miss A1, Miss United Nations at Miss Earth.

Talaga namang kompleto rekado na kung maituturing si April at tinatayang mas pagiigihan pa nito ang kaniyang pag-aaral pagtungtong nito sa bansang Amerika.

Kasama ang kaniyang buong pamilya, si April ay nakatakdang maninirahan at magtatapos ng pag-aaral sa Chicago, Illinois.

Plano nitong kumuha ng kursong BS Biology bago magtungo sa pag-aaral ng medisina.

April Christelle De Leon | Facebook

April Christelle De Leon | Facebook

Kaakibat ng kaniyang post ang mga katagang "These memories will forever be treasured and will always be with me wherever I go. Goodbye Lingayen, Pangasinan."


              rachfeed.com