Pinay helper sa Malaysia binigyan ng 100K, gamit at pang-paayos ng bahay ng kanyang mabait na employer - The Daily Sentry


Pinay helper sa Malaysia binigyan ng 100K, gamit at pang-paayos ng bahay ng kanyang mabait na employer




Mga bagong bayani kung ituring ang mga kababayan nating mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mas piniling iwan ang kani-kanilang mga pamilya at tiisin ang lungkot at paghihirap sa ibang bansa upang masuportahan at mai-aahon ang buhay mula sa kahirapan. 


Marami sa mga foreign employers ang mas nagtitiwala at humahanga sa angking galing ng mga Pinoy sa kahit ano mang larangan ng trabaho. 


Isa na dito ang mga pagsasakripisyo ng mga kapatid nating mga Domestic Workers na namamasukan upang pagsilbihaan ang kanilang mga banyagang amo. 



Marami man sa kanila ang madalas napagmamalupitan ng mga mapang-abusong employer, masusuwerte na kung ituring ng iilan pag sila'y napunta sa mga mababait na tao. 


Katulad nalang ng isang napakagandang karanasan ng isang pinay domestic helper na si Maria Teresa Campos mula Magallanes, Butuan City, sa kanyang halos 6-na-taong pamamasukan sa pamilya ni Ismaniza ng Malaysia.  



Bumuhos ang luha at lungkot sa mukha ng pamilya ng kanyang pinagsisilbihan sa oras nang siya'y tuluyan ng umalis pabalik sa Pilipinas. 


“Sobrang mabigat sa kalooban ‘yung tumalikod ka na, tinatawag ka pa. Na-feel ko talaga ‘yung pagmamahal sa akin ng amo ko," aniya.


Sa ibinahaging TikTok video na gawa mismo ng kanyang employer na si Ismaniza, inilarawan nito kung gaano sila kasaya at kampante kasama si Maria. 


Sa sobrang pasasalamat nila sa kabaitan na ipinadanas sa kanila ng Pinay worker ay binigyan nila ito ng pera bago umuwi na nagkakahalaga sa P100,000 at bagong cellphone, at pati mga gamit.


Ayon pa kay Maria, lahat ng mga utang niya sa kanyang mga amo ay hindi na nila siningil pa, bagkus ay ibinigay na sa kanya bilang pandagdag sa pagpapaayos ng kanilang bahay sa probinsya.




"Bago ako umuwi sa Pilipinas, binigyan ako ng amo ko ng bagong cellphone, bagong mga gamit. Nagbigay pa siya ng cash. Hindi ko talaga in-expect na bibigyan nila ako ng ganoon kalaking pera." kwento niya


"‘Yung utang ko sa kanya, tulong na lang daw niya sa akin para mapa-repair ko ‘yung bahay namin dito sa Agusan," dagdag pa nito



Sa tagal na taong paninilbihan niya sa pamilya, hindi niya umano kailanman man nararamdaman na itinuring siyang katulong kundi tinatrato siya bilang isang tunay na parte ng pamilya. 


"Sobrang nagpapasalamat ako sa kabaitang ipinakita nila sa akin. Hindi nila ako tini-treat bilang isang katulong. Tinrato nila akong parang pamilya.”


Sa ibinahaging TikTok video ni Ismaniza, makikita kung gaano nila kamahal at mamimiss si Maria sa pag-alis nito. At tanging taos pusong pasasalamat ang kanilang ipinaparamdaman sa kabaitan ng Pinay.


"The way she educate children lovingly, no harsh voices. The way she manages the house like her own house,"


"There is nothing more painful than losing you. You are 1 in a million, Maria." 





Hindi mapigilan ng kanyang amo ang maiyak sa araw ng kanyang pag-alis. Labis man silang masaktan at malulugkot, ang hangad lang nila ay maging masaya at maging successful si Maria sa kanyang pag-uwi.


"A moment that cannot be described in words. Don't how to tell dont go back and please stay. It hurts to see all this but we have to go through." 


"I hope she will be happy and successful. I hope she doesn't forget us,"


"Goodbye Maria. Till we meet again. One day i will ask my child go and find you in Butuan. Stay safe. We love you. We miss you."


***

Source: KMJS | Ismaniza

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!