Ang pagiging masipag at matiya ay siguradong mag-aani ng tagumpay at pag-asa sa ating buhay pagdating ng araw. Kaya kahit gaano man kahirap ay huwag tayong susuko.
Raymund Malondra / Photo credit: Cavite Connect
Ito ang pinatunayan ng isang balut vendor na niregaluhan ng brand new na motorsiklo ng isang lalaki sa loob ng motorshop.
Ayon sa Facebook page na ‘CAVITE CONNECT’, napadaan lamang ang balut vendor na si Raymund Malondra sa isang motorshop nang tawagin siya ni Renz Marlon Gollaba Mateo upang bumili ng kanyang paninda.
Raymund Malondra / Photo credit: Cavite Connect
Raymund Malondra / Photo credit: Cavite Connect
Si Renz ay supplier sa Jdp MCshop (Motorshop) sa Rosario, Cavite.
Ininterview ni Renz si Raymund at napag-alamang 8 years na pala itong nagtitinda ng balut gamit ang isang bisikleta.
Ang kinikita niya sa pagtitinda ay ipinambibili ng pagkain at gamot para sa kanyang asawang maysakit.
Tila nahabag si Renz sa kwento ng buhay ni Raymund kaya nagpasya itong bigyan ng bagong motorsiklo na magagamit sa pagtitinda.
Bukod sa motorsiklo ay binigyan rin ni Renz ng cash ang balut vendor upang may maipandagdag sa gastusin.
Renz Marlon Gollaba Mateo at Raymund Malondra / Photo credit: Cavite Connect
Raymund Malondra / Photo credit: Cavite Connect
Laking pasasalamat naman ni Raymund kay Renz dahil sa napakalaking tulong na ibinigay nito.
Sa ngayon ay umabot na sa 14k reactions at 4.4k shares ang nasabing post.
Narito ang buong post:
“NAPADAAN NA TINDERO NG BALUT, BINIGYAN NG MOTORSIKLO!
Laking gulat ng tindero ng balut sa Rosario Cavite ng bigyan siya ng Motorsiklo ng isang lalaki sa loob ng Motorshop.
Renz Marlon Gollaba Mateo at Raymund Malondra / Photo credit: Cavite Connect
Ang lalaking nagbigay ng Motorsiklo ay si Renz Marlon Gollaba Mateo na supplier sa Jdp MCshop (Motorshop) sa Rosario, Cavite.
Sa panayam ng aming team kay Renz, pinapasok nila sa shop ang balut vendor para bumili, kinamusta niya ito at sinabing bibigyan niya ito ng Motorsiklo. Nakwento din ng balut vendor na 8 years na siyang nagbebenta ng balut gamit ang kanyang bisikleta at ang kinikita niya dito ay pampagamot sa kanyang asawang may sakit.
Bukod sa Motorsiklo ay binigyan din ito ng Cash para pandagdag umano sa gastusin. Laking pasasalamat naman ng balut vendor na kinilalang si Raymund Malondra.
Patunay ito na kahit ngayong panahon ng pandemya, may good samaritan pa din.”
***
Source: Cavite Connect | Facebook page