Viral ang isang netizen ngayon matapos humihingi ng tulong dahil sa pananakot at pagbabanta ng kapitbahay nito sa kanilang pamilya.
Ayon kay Jhay Aramil mula Binangonan Rizal, matagal ng silip ng silip ang kanilang kapitbahay mula sa kanilang bintana kaya naman minabuti niya itong takpan para magkaroon ng privacy. Ginagawan niya ng bakod ang pagitan nito, pero lagi naman itong sinisira ng kaniyang kapitbahay.
Sabi ni Jhay ay nagagalit daw ito kaya nila sinisira ang bakod, kaya naman sa tuwing nasisira ito ay nadadamay ang iba pang gamit gaya ng halaman nila Jhay.
Isang gabi ay sinugod pa siya nito kasama ang anak at saka pinagbubulyawan, dinuru-duro at habang sila'y inaaway nito, buong pagmamalaking sinabi ng kanilang kapitbahay na kaya daw nitong bilhin ang buhay nila.
Jhay Aramil | Facebook
Jhay Aramil | Facebook
Sa takot ay humingi ng tulong si Jhay at naglabas ng saloobin sa Facebook Group na Raffy Tulfo in Action, upang mabigyan siya ng kauukulang payo at tamang aksyon na dapat gawin ukol sa kinahaharap niyang sitwasyon.
Narito ang kaniyang buong salaysay:
"Sir RAFFY hingi po kmi ng tulog yung kapit bahay po kasi namin nakafirewall napo yung bahay nya tapos may bintana xa lagi po kasi xa silip ng silip samin tapos mareklamo po lagi kaya ginawa po namin nilagyan q ng bakod sa pagitan ng bintana nya..yun po lagi nyang tinutulak yung bakod na ginawa q kaya yun laging sira tapos pati halaman namin nasisira kc nababagsakan ng bakod..kagabi po pag uwi q ng bahy sira nanaman bakod n ginawa ko tapos inaayos q po yung nasira bakod nagkasagutan po kami"
Jhay Aramil | Facebook
"tapos sinugod po kami sa bahay kasama po ang anak nya hinahamon aq dinuroduro po aq at umaambang sasaktan aq pati po yung hipag q po inaway at pinagbabantaan po kami na kaya daw pong bilin ang mga buhay namin at baka barilin daw po aq..sana po matulungan nyo po kami lagi nalang po kami inaaway ng kapit bahay namin nayun gawa dun sa bintana nila at sinasabi nila may 1meter pa sila sabi namin paano mangyayari yun naka firewall na kau.sabi namin kung may 1meter sila ilabas ang papel ng lupa pero wala po nilalabas matagal napo kasi yun..lagi kaming tinatarandado porket mahirap lang po kami..pati dw po buhay namin kayang bilin...sana po tulungan nyo po kmi para matapos napo ang gulo na to kc buhay po namin pinagbabantaan ng kapit bahay namin..maraming salamat po."
Raffy Tulfo in Action (Official Facebook Group)
Marami sa mga netizens ang nagpayo kay Jhay ngunit may isang nagalok ng tulong para ito'y imbestigahan.
Sabi ng isang nag-komento na si Jane Santos, handa siyang tumulong at maisampa ang patung-patong na kaso laban sa kapitbahay ni Jhay.
Sisiguraduhin raw nito na mananagot at hihimas ng rehas ang mga mapangabuso at matapobreng mga taong ito.