Hindi na mapigilan ang pagsikat ng tinaguriang taklesa ng Facebook na si Madam Inutz. Umaabot ng 300 thousand live viewers lang naman ang kaniyang inaaliw at binebentahan ng kaniyang mga panindang damit.
Matatandaang nagumpisang mag viral ang kwelang online seller ng magbenta ito ng damit na pwedeng pang burol at binigyan ng code na 'kabaong'.
Ngunit paalala ng nakararami, ang paraan ng pagbebenta at pagpapatawa ni Madam Inutz o Daisy Cabantog sa tunay na buhay. Ay hindi angkop sa mga kabataan.
Ang pagiging natural at totoo nito ang siyang nagugustuhan ng kaniyang mga manonood, lalo pa nang malaman ng mga ito ang kwento sa likod ng masaya at kwelang istilo ng pagtitinda ni Madam Inutz.
Hiwalay sa asawa si Daisy at dahil na rin sa kalagayan ng kaniyang ina ay mag-isa na lang siyang kumakayod at tanging inaasahan ng pamilya.
Sa isang panayam nito kay Ogie Diaz, inamin ni Madam Inutz na isang pagkakamaling maituturing niya sa kaniyang buhay ay ang hinayaan niya ang sarili na umasa sa padala ng kanyang dating British boyfriend.
The Ogie Diaz | Facebook
Sa loob ng walong taon ay hindi siya nito pinayagang magtrabaho upang tutukan ang pag-aalaga sa kanilang anak. Subalit kalaunan ay naghiwalay ang dalawa at nanatili na lang si Daisy sa Pilipinas.
Inalok ito na tumira sa condo bilang suporta sa kanilang mag-ina pero tinanggihan niya ito at mas ginustong mamalagi sa piling ng kanyang ina para mas maalagaan niya ito.
Emosyonal ito pagdating sa kaniya dahil saksi siya sa naging paghihirap nito mula ng mga bata pa sila.
Laki sa hirap sila Daisy kasama ang walong kapatid nito, na kung minsan ay umaabot sila sa punto na asukal lamang ang kanilang inuulam sa kanin.
Image via Daisy Lopez
Image via Daisy Lopez
Kaya naman sa sobra-sobrang biyayang natatanggap niya ngayon ay wala siyang ibang ninanais kundi iparanas ang kaginhawahan sa kaniyang pamilya.
132,000 pesos ang natanggap ni Daisy mula ng ito'y nakilala sa Facebook at 200,000 pesos naman ang inabot na tulong ni Wilbert Tolentino para sa kaniyang ina na may sakit.
Iginiit naman ni Madam Inutz na hindi siya magpapadala sa kasikatang tinatamasa niya ngayon.
Image via Daisy Lopez
Daisy Lopez aka Madam Inutz
Sa katunayan, kahit ito ay kaagad na lumipas. Mas importante pa rin na siya ay makapagtinda at kumita ng sapat na pera para matulungan ang kanyang mga magulang, kapatid at mga anak.
Source: The Ogie Diaz | Facebook