Mansueto "Onyok" Velasco Jr., nakatanggap ng tindahang pang-negosyo at 100k piso mula Chooks-to-Go! - The Daily Sentry


Mansueto "Onyok" Velasco Jr., nakatanggap ng tindahang pang-negosyo at 100k piso mula Chooks-to-Go!



Dalawampu't limang taon ang lumipas nang makamit ni Mansueto "Onyok" Velasco ang Silver Medal para sa bansa noong 1996 Atlanta Olympics at ngayon lamang matatanggap ang ibang reward sa karangalang dinala sa Pilipinas.

Muling umugong ang pangalan ni Onyok Velasco dahil sa magandang ipinakita ng mga Pilipino at Pilipinang atleta sa katatapos lamang na Tokyo Olympics.




Naging usap-usapan din ang pahayag ni Onyok na hindi umano nito natanggap ang mga naipangako sa kanya noong siya'y mag uwi ng medalya at karagalan sa bansa.

Tulad anya ng 2.5 milyong piso, scholarship para sa kaniyang anak at 10k monthly na isang taong lang daw niyang natanggap at bahay at lupa na wala pang titulo hanggang ngayon.

"Nung matapos kong manalo ng silver sa Atlanta Olympics, yung hindi natupad yung sa congress na 2.5-million pati yung sa Philippine Navy na scholarship ng dalawang anak ko."

Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook

Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook


"Yung bahay nandiyan na pero yung titulo wala pa. Nagpangako rin ng 10,000 monthly na lifetime pero isang taon lang binigay sa akin," dagdag pa ng 47-anyos na si Velasco, na tubong Bago, Negros Occidental.

Sa kabila ng lahat ng ito ay umusbong ang karera ni Onyok sa larangan ng 'showbiz' at naging isa sa mga kinaaaliwang komedyante sa bansa.

Matapos ang 25-taon, sinariwa ng Chooks-to-Go ang tagumpay ng mahusay na boksingero at minabuting punuan ang pagkukulang sa karapat-dapat na parangal sa Filipino Olympic Silver medalist.

Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook

Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook

Sa pag-aakalang ipinatawag lamang siya para kumustahin ng mayari nito na si Ronald Mascariñas, ngunit sa kaniyang pagdating ay isang sorpresa ang gumulat kay Onyok.

"We’re giving one Chooks-to-Go store to Onyok because as a Filipino we owe it to him for bringing honor to our country. We are also giving him an additional P100,000 so that he can have a long-delayed honeymoon in Boracay with his wife May."


Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook


Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook


"Talagang store ng Chooks-to-Go talaga. Hanap-buhay talaga na hindi lang ako makikinabang kung hindi pati pamilya ko at mga anak ko na ma-secure sila dahil sa binigay sa akin."

Abot langit ang tuwa at pasasalamat nito dahil sa wakas ay magkaroon na siya ng sarili niyang negosyo.

"Boss Ronald, talagang hulog ka po ng langit sa akin at sa buong pamilya ko dahil binigyan niyo po ako ng kabuhayan. Sana marami pa kayong matulungan na tulad ko."

Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook

Chooks-to-Go Pilipinas | Facebook